Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other Bandera

Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other

Reggee Bonoan |October 27,2021
share this

Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other

Reggee Bonoan October 27, 2021 - 08:12 PM

Bimby boto kay Mel para kay Kris: You two deserved each other

SINUSULAT namin ito ay ilang oras lang ang nakararaan mula ng i-post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na nasa dining table silang tatlo nina Bimby at ng fiance niyang si dating DILG Secretary Mel Sarmiento.

Ang caption ni Kris, “The rest of our video… Thank you very much.
Maraming Salamat Po. Daghang Salamat (nag aral po from elementary all the way to college in Cebu si Mel). Damo nga Salamat sa iyo ngatanan (dahil 3 term mayor & 2 term Congressman si Mel ng Calbayog City bago sya naging huling DILG Secretary ng kuya ko) and of course, dahil Tarlaqueño na si kuya Josh at kalahating Ilocano, kalahating Kapampangan ang Tarlac depende sa distrito- Agyamanak Kadakayo Amin and
Dakal Pung Salamat Kekayu Ngan. #lovelovelove”

Base sa laman ng video ay nagpasalamat si Mr. Sarmiento sa lahat ng mga bumati sa kanila ni Kris nang i-anunsyo ng huli na engaged na sila.

Seryosong sabi nito, “Salamat sa lahat ng bumati sa amin.”

Natawa ang mag-ina bagay na ikinataka ng soon to be step dad ni Bimby, “akala ko ba ako mauna?”

“Yeah, natatawa lang kami ni Bimb. Kasi parang galit ka do’n sa pag-thank you mo sa kanila, ha, ha, haha,” sagot ni Kris.

Napatungo na lang si Mr. Sarmiento na natatawa at sabay hawak sa magkabilang pisngi, “Ang hirap naman.”

“Okay, I just wanted to say thank you very much kasi we have been so touch with the overwhelming kindness ‘yung parang the happiness that you have shown that we (sabay muwestrang silang dalawa ng fiance) are happy, thank you. ‘Yun lang ang gusto naming sabihin. Maraming-maraming salamat po kasi ‘yung kaligayahan na nararamdaman ninyo para sa amin means a lot.

(Sabay tingin kay Bimby), “A lot is asking if you’re okay with?”

“I’m very happy of course!” mabilis na sagot ng bunsong anak ni Kris. “You two deserved each other ha ha, ha ha.”

Nagkatawanan sina Mr. Sarmiento, Kris at Bimby.

Ipinakita rin ni Kris ang commitment ring niya na nakasuot sa kaliwang daliri, “maluwag lang talaga sa akin because this is the smallest that they had,” sambit niya.

Sabay pasalamat ni Kris sa mga pagkaing padala ng sister niyang si Viel Aquino-Dee na kaarawan ngayong araw mismo.

May part two ang video post na wala na si Mr. Sarmiento at seryosong kinausap ni Kris ang anak.

“Bimb now that he’s not here anymore won’t freak out anymore, I wanted to ask you, when I ask your permission last week, why was it so easy for you to say yes to me?” tanong ni Kris sa anak.

“It’s because he loves you. No agenda at all. And you can really tell he wants to take care of you, me, and kuya, yeah. And basically, I can tell ah whenever he looks at you his eyes twinkle-twinkle, you know,” tumawang sabi ni Bimby na ikinatawa rin ng mama niya sabay takip ng mukha.

“And?” tanong ulit ni Kris.

“Basta you can feel he genuinely loves you,” sabi pa ng binatilyo.

“Oh, thank you honey,” say ni Kris.

“Yeah you know there’s two macho man in this house ha, ha, ha. Before there’s one macho man and that’s me. Now that’s him and me, ha, haha,” paglalarawan ni Bimby.

Sumang-ayon naman si Kris sa sinabi ng anak pero nabanggit niyang hindi pa raw nagpaalam ang fiance niya kay Kuya Josh dahil ayaw pumunta ng Manila ang panganay na anak.

“Kuya is the macho man in Tarlac,” tumawa uling sabi ni Bimby.

“He doesn’t want to leave Alto (Sitio in Tarlac),” saad ng mama ng magkapatid.

“(Yes) too fun riding his (golf car) ano, ha, ha, ha,” sabi ulit ng bunso ng Queen of All Media.

“Yah thanks he dunno of your approval because without it, I would not say yes,” say pa.

“Okay, yeah,” tumangong sabi ng anak ni Kris.

“I love you,” sabi ni Kris sa anak.

“I love you so much and we love you (sabay tingin sa camera) tito Mel,” pahayag ni Bimby.

Sabay kiss ng mag-ina.

Related Chika:
Kris sa ‘relasyon’ nila ni Mel Sarmiento: At least ngayon, there’s someone with the guts to stand up for me
Kris engaged na sa dating secretary ng DILG: Looking forward na akong maging Sarmiento

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending