Kabayan Noli ‘pinatay’ sa socmed, Kat de Castro umalma: My Dad’s absolutely fine, we just had dinner
Noli de Castro
“PINATAY” ng mga taong walang magawa sa buhay ang veteran broadcaster at news anchor na si Noli de Castro.
Kumalat sa social media ang balitang pumanaw na raw ang Kapamilya radio and TV host matapos umanong madulas at ma-comatose. Ginamit pa nga ng mga nagpakalat ng pekeng balita ang pangalan ni Ted Failon.
Nawindang ang mga netizens sa nasabing balita at halos lahat ng nagkomento sa socmed ay nagsabing hindi sila makapaniwala sa nangyari kay Kabayan.
Ngunit mabilis naman itong pinabulaanan ng kanyang pamilya at sinabing fake news ang kumalat na impormasyon sa social media.
Una itong pinabulaanan ng anak ni Kabayan na si PTV General Manager and COO Kat de Castro. Hindi raw totoong patay na ang kanyang tatay at sa katunayan ay katatapos lang nilang maghapunan.
Mensahe ni Kat sa kanyang Facebook account, “Hi everyone. My Dad’s absolutely fine. We just had dinner.”
View this post on Instagram
Samantala, ngayong araw nag-post si Kabayan sa Instagram ng isang video ng kanyang koi pond at may caption na, “Magandang umaga, Bayan. Pagpalain sana po ng Diyos ang inyong umaga, mga kabayan.”
Bukod dito, ibinahagi rin niya ang short video clip kung saan maririnig ang kanyang signature dialogue sa radio program niya na, “I love you, Kabayan, I love you.”
Ito naman ang isinulat niya sa caption, “Magandang Umaga, Bayan. Miss ko na kayo kabayan. Abangan.” Ang feeling ng madlang pipol ay babalik na sa si Kabayan bilang radio and TV commentator.
Kung matatandaan, nagpaalam ang news anchor sa kanyang TeleRadyo program at sa “TV Patrol” ng ABS-CBN para tumakbo sanang senador sa May, 2022 elections sa ilalim ng partido ni Manila Mayor Isko Moreno na Aksyon Demokratiko na tatakbo naman sa pagkapangulo.
Ngunit bigla na lamang siyang nag-announce na umaatras na siya sa kanyang kandidatura dahil sa ilang personal na kadahilanan.
Aniya sa kanyang official statement, “Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.
“Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.