Maja napaiyak sa sorpresa ng mga katrabaho: Hindi ako prepared sa outfit! | Bandera

Maja napaiyak sa sorpresa ng mga katrabaho: Hindi ako prepared sa outfit!

Reggee Bonoan - October 25, 2021 - 10:32 AM

Maja Salvador

IN-UPLOAD ni Maja Salvador sa kanyang YouTube channel ang birthday surprise sa kanya ng programang Niña Niño.

Habang binabaybay ni Maja sakay ng kanyang van ang location ng serye ay nagulat siya dahil may mga puti at pink na lobong sa magkabilang gilid ng dinadaanan nila.

At sa hindi kalayuan ay may nakita siyang mga taong nag-aabang at may hawak ding mga lobo. Aniya, “Anong meron? Nakakaloka!”

Paghinto nila ay sinalubong siya ng taga-production at doon niya nalamang pinaghandaan talaga ito ng kanyang mga katrabaho dahil kaarawan niya noon pang Okt. 5 at wala silang taping kaya na-delay.

Hindi nakabihis si Maja dahil wala naman siyang alam na naghanda ang kanyang Niña Niño family. “Hindi ako prepared sa outfit!” hiyaw niya.

Sabi uli ng aktres, “Wala man lang pasabi, hindi ko bet ang outfit (ko)!”

Habang binaybay niya ang daan patungo sa mismong bahay niya sa eksena ay isa-isa siyang binabati ng mga tagaroon na may mga hawak na lobo habang sumasayaw pa.

Pagdating sa bakuran ng bahay ay pinaupo si Maja para panoorin ang mga inihandang sayaw para sa kanya ang production team hanggang sa inaya siyang sumayaw na aayaw-ayaw pa pero bumigay din ang aktres.

At pagpasok sa bahay ay naghihintay roon ang direktor na si Thop Nazareno at inabutan siya ng bulaklak at sinindihan ang malaking cake.

Umiiyak sa tuwa si Maja at yumakap kay direk Thop at nagpapasalamat sa pa-surprise sa kanya. “We love you Maja,” ang buong Niña Niño team na lalong nagpaiyak sa dalaga.

Say ng aktres, “Thank you so much.  Sa susunod kahit konting tip lang (para nagbihis). Lalabas pa naman sa social media. Thank you birthday ko pa rin. Sabi ko, meron bang eksenang may fiesta? Thank you my Niña Niño family at ipinagmamalaki natin, Best Drama Series. 

“Kasi naman grabe tayo magtrabaho, grabe ‘yung love at suporta natin sa isa’t isa kaya mabuhay tayong lahat! Thank you, I love you all,” aniya pa.

Nanalo ang serye bilang Best Drama Series at Best Actress in a Leaing Role naman si Maja sa sa national at magiging representante sila ng Pilipinas para sa gaganaping Asian Academy Creative Awards 2021’s Grand Awards sa Dec. 2 at sa Gala Finals sa Dec. 3.

https://bandera.inquirer.net/283443/maja-tinanggihang-makatambal-si-gerald-sa-init-sa-magdamag-respeto-lang-daw-kay-rambo

* * *
                                                      
Isa pang programa ng TV5 ang national winner, ang “Sing Galing” na nanalong Best Non-Scripted Entertainment sa Asian Academy Creative Awards.

Napanood namin ang episodes ng “Sing Galing” sa YouTube na ang contestant ay sina Madam Inutz, Jerald Napoles at iba pa na oo nga sasakit ang tiyan mo sa katatawa at puro adlib ‘yun.

Kaya pala tuluy-tuloy nang umaagat ang TV rating ng programa nina Rey Valera, Jessa Zaragoza, Ronnie Liang (hurado) at Singmasters na sina K Brosas, Randy Santiago at Donita Nose.

Muling nakapagtala ng panibagong highest peak na rating ang paboritong videoke game show na “Sing Galing” dahil pumalo sa 4.3% ito na pinakamataas simula nang mag-umpisa ito sa TV5.

Mapapanood ito tuwing Lunes, Martes at Huwebes pagkatapos ng “Frontline Pilipinas” at ang “Sing-lebrity Edition” tuwing Sabado, 6 p.m. sa TV5.

https://bandera.inquirer.net/294437/maja-salvador-official-eb-dabarkads-na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

                   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending