Bea na-shock nang muling makita ang dating boss sa ABS-CBN; may bagong 'baby' mula kay Dominic | Bandera

Bea na-shock nang muling makita ang dating boss sa ABS-CBN; may bagong ‘baby’ mula kay Dominic

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Bea na-shock nang muling makita ang dating boss sa ABS-CBN; may bagong ‘baby’ mula kay Dominic

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 12:01 PM

Bea Alonzo, Dominic Roque at Karlo Katigbak

SHOCKED si Bea Alonzo nang  bumulaga at umapir sa pinanonood na video si ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak para bumati sa kanyang ika-34 kaarawan. 

Sa bago niyang vlog sa YouTube, ipinalabas ang inihandang birthday episode ng kanyang production team kung saan isa-isa siyang tinanong ng mga kaibigang celebrities.

Ilan sa mga bumati at nakipag-participate sa pa-question and answer session ng bagong Kapuso actress for her birthday ay sina Alden Richards, Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Enchong Dee, Ian Veneracion, Bea Saw, Dimples Romana, Angel Locsin at iba pa.

Pero ang ikinagulat talaga ni Bea ay ang pagbati at pagtatanong ng dati niyang boss sa ABS-CBN na si Karlo Katigbak. 

“You know, I’ve heard you sing twice, once with Anne (Curtis) in ABS and another time onstage during one of your birthday parties. And so, my question for you today is — will you sing for us on your birthday?” ang hirit na tanong ni Katigbak.

Reaksyon naman ng dalaga, “Sir Carlo! I love you. Nami-miss ko kayo kainuman. Yung huli kong birthday celebration, nandoon sila hanggang almost end ng party and I miss you so much. 
“I miss singing with all of you. I miss singing with Anne on stage,” sey pa ni Bea.

“I hope we can do it again kapag lahat na ay safer. I hope we can get together again. Thank you for the message. I love you. I miss you so much,” mensahe pa ng aktres sa ABS-CBN top executive. 

Nauna nang sinabi ng dating Kapamilya star na wala muna siyang bonggang selebrasyon this year dahil nga sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma rin ni Bea na magkasama sila ng dyowang si Dominic Roque na nag-celebrate ng kanyang birthday recently sa isang beach resort.

Sinorpresa rin ni Dominic si Bea sa kaarawan nito kahapon bitbit ang kanyang regalo, isang brown-haired puppy na mukhang Poodle.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Bea ang ilang ganap sa simpleng birthday party niya kasama si Dominic at dito nga niya ipinakita ang bagong alagang aso.

Aniya, wala pa siyang naiisip na pangalan para sa bago niyang “baby” kaya humingi siya ng suggestion sa mga netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May puting maltese dog na si Bea na may pangalang Walter White, na kinuha niya sa isang character sa  American crime drama series na “Breaking Bad.”

Bea love na love si Dominic: Sobrang inaalagaan niya ako, pinagsisilbihan, hindi nga ako sanay, e!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending