Andrea nagpositibo sa COVID-19; nilinaw ang viral 'sikat na sila agad' statement | Bandera

Andrea nagpositibo sa COVID-19; nilinaw ang viral ‘sikat na sila agad’ statement

Therese Arceo - October 09, 2021 - 01:32 PM

DIRETSAHANG inamin ng aktres na si Andrea Brillantes SA King of Talk na si Boy Abunda na nagpositibo ito sa nakahahawang virus na COVID-19.

“I tested positive for COVID. Asymptomatic po. Okay naman po ako. Physically, wala akong nararamdaman. Mahirap lang po mentally,” saad ng aktres.

Aniya, ang pinakamahirap para sa kaniya ay ang pagkakaroon niya ng insomnia at anxiety. Sa umaga naman daw ay walang problema pero sa gabi ay doon lubusang nahihirapan ang dalaga.

“Takot rin po kasi akong mag-isa. ‘Wag rin po sana kayong matawa, lapitin po kasi ako ng mga multo,” nahihiyang amin ni Andrea.

Mabuti na lang ay peaceful naman ang tinutuluyan ng dalaga at so far ay wala naman daw nagpaparamdam sa kanya.

Dagdag pa niya, ito raw ang first time sa 18 years ng kaniyang buhay na nakaramdam siya ng peace at nagkaroon ng time para sa sarili.

“Sa work ko po, lagi akong surrounded with tons of people. Never akong naging mag-isa pero for the first time sa 18 years ko po, ito lang talaga ‘yung nagkaroon ako ng quiet time alone for myself kahit takot ako, meron pa rin akong nakikitang happiness and peace,” sey ng dalaga.

Worried daw talaga ang kaniyang mommy at sister sa kalagayan niya at gusto nilang puntahan ang dalaga pero gusto niyang ipakita na kaya niya at kakayanin niya.

Matapos ang kanilang kumustahan sa kasalukuyang lagay ng aktres ay diretsahan nang itinanong ni Tito Boy ang viral statement ni Andrea kung saan sinabi niyang nasasaktan siya sa tuwing may mga baguhan na sumisikat agad.

Walang kaabog-abog naman itong ipinaliwanang ng aktres.

Kasalukuyan raw siyang nasa taping nang mag-trending ang kaniyang statement kaya hindi niya alam ang nangyayari. Wala rin daw kasing signal doon. Nag-message lang daw ang kaniyang ina na natataranta dahil nga nag-viral siya.

“Nung nakita ko, nakahanap ako ng signal, ‘yung mga articles sobrang out of context naman.

“Ang naramdaman ko po is shock and super confused.

“Kasi po sa Gold Squad, tinanong ako kung ano ‘yung ibang experiences as an artist na hindi ko nagugustuhan and then I answered ‘yung naranasan ko when I was 13.

“Lahat ng tao hindi alam ‘yon kasi nagko-comment sila, akala nila ‘yun ‘yung mindset ko ngayon but no. It was my mindset when I was 13. At that time kasi, ‘yun ‘yung depressed ako noon and sinabi ko na nasasaktan ako.

“Isa sa mga ayaw ko bilang artista is ‘yung mga experiences ko, nasasaktan ako na nakikita ko ‘yung mga baguhan na na nakukuha ‘yung mga pinagdarasal at pinagtatrabahuhan ko nang ilang taon tapos sila makukuha lang in a snap,” pagpapaliwanang ni Andrea.

Kaya raw nagulat siya ng makatanggap ng napakaraming batikos dahil para sa kanya, normal ang makaramdam ng ganon.

May mga nakakausap raw siyang ibang artista na sinasabing agree at nakaka-relate sila sa sinabi ng dalaga ngunit hindi raw niya ito sinasabi para i-justify ang kaniyang nag-viral na statement.

“Hindi ko binasa ‘yung comments, ang alam ko lang ‘yung sinabi ni Mommy na ang dami raw nagsasabing inggetera ako, na immature ako, na selfish ako na hindi ko rin maintindihan kasi first of all, wala akong sinabing hindi nila deserve.

“I didn’t invalidate their success, their talent, their craft. All I said is masakit siya para sa akin,” pagpapatuloy niya.

Noong una akala niya ay magiging relatable ang kaniyang statement pero hindi ‘yun ang nangyari.

Bilang isa ring talent manager si Tito Boy ay nag-agree siya sa sinabi ng dalaga.

“Unang-una, kahit hindi ka 13,14,15 noong sinabi mo ‘yun, that kind of statement is valid. That’s part of the competition.

“And that questioning is also valid. That also makes a lot of sense dahil to be able to say na ‘Ang dami kong ginawa, nagtatrabaho naman ako, nagpapapkabuti naman ako, I think I’m a good actor… why am I not getting what others are getting?’ to me is a trigger point,” sey ni Tito Boy.

Humanga rin naman si Tito Boy sa naging interview ni Andrea na nagbibigay ng advice sa mga baguhan ukol sa patience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kanya-kanyang oras talaga,” sey pa ni Tito Boy.

Ngayon nga ay masaya na si Andrea sa kaniyang natatamasa dahil lahat ng paghihirap na dinanas niya noon ay napalitan ng biyaya na higit pa sa ipinagdarasal niya noon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending