Globe #PlantHappinessPH mental health campaign umani ng higit sa 168.7 milyong views sa TikTok
Sa loob lamang ng isang linggo, umabot sa 168.7 million views ang #PlantHappinessPH campaign ng Globe para sa mental health. Nais ng Globe na i-share ang saya at pag-asa para #AtinAngSimpleJoys kahit ano pa ang hirap o problema na nararanasan.
Nakatanggap ang Globe ng 275 video entries mula sa mga medical frontliners, delivery riders, work-from-home moms, empleyado, negosyante, at iba pa, mula nang magsimula ang kampanya noong Setyembre 27. Gamit ang kantang “Better Days 2.0” ni Quest, ang video challenge ay isang paalala sa mga tao na gaganda pa ang mga darating na mga araw.
“Tuwang-tuwa kami na sa maikling panahon lamang, marami nang tumugon sa panawagan namin. Ang daming Filipino TikTokers na sumayaw, nagpamalas ng kanilang mga koleksyon ng halaman, kumanta, nag-document ng kanilang pagbabakuna at nagpakita ng kanilang mga simpleng kasiyahan gaya ng pagluluto, pag-eehersisyo, at pag-aalaga ng kanilang mga pets upang i-promote ang mental health at well-being,” ayon kay Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications.
Ang #PlantHappinessPH ay naging sigaw ng pag-asa. Ang dance challenge ay mayroong mga entry mula kina Sanya Lopez, Mark Herras, Rodjun Cruz, Kiray Celis, at Chuckie Dreyfus ng GMA; Myx VJ Ai dela Cruz; Mikee Agustin at Joj at Jai Agpangan ng ABS-CBN, at mga personalidad sa social media na sina Arianne Bautista, Lennie Enverga, Marlann Flores, Klio Manabat, at Claudine Co.
Bilang bahagi ng pagsisikap na mapangalagaan ang mental health ng mga customers, magbibigay ang Globe ng libu-libong mga libreng binhi at punla sa mga sumali sa hamon. Nais ng kumpanya na mabawasan ang pangangamba ng mga customer sa tulong ng mga positibong gawain gaya ng pagsasayaw at pag-aalaga ng halaman.
Ang mga kalahok sa Greater Manila Area ay makakakuha ng mga punla ng Langka at Guyabano, habang ang sa ibang lokasyon ay mga buto ng punong Supa at Bignay naman. Ito ay galing sa dalawang partners ng Globe – ang Philippine Native Tree Enthusiasts at Mead Foundation. Bisitahin ang www.0917lifestyle.com website at gamitin ang promo code na SIMPLEJOYS sa check-out para makuha ang mga items nang libre.
“Palagi kaming naghahanap ng mga paraan para matulungan ang aming mga customers na alagaan ang kanilang mental health. Ang healthy hobbies at ang pagpapahalaga sa mga simpleng bagay ay ilan lamang sa mga paraan upang pangalagaan ang mental health. Nais naming ipaalala sa lahat na hindi sila nag-iisa sa kanilang laban sa stress at anxiety. Narito ang Globe para sumuporta sa kanila,” sabi ni Crisanto.
Batay sa Mental Health Atlas 2017 ng World Health Organization (WHO), ang mental illness ang pangatlo sa pinakakaraniwang kapansanan sa Pilipinas. Humigit-kumulang anim na milyong mga Pilipino ang tinatayang nagdurusa dahil sa depresyon o anxiety.
Isa pa sa mga programang pang-mental health ng Globe ang TAYO Naman! (Tulong, Alaga, Yakap at Oras para sa mga Tagapagtaguyod ng Edukasyon) kung saan nakipag-ugnayan ang Globe sa Disaster Risk Reduction Management Service ng Department of Education at sa Bureau of Human Resource and Organizational Development Employee Welfare Division upang suportahan ang kapakanan ng mga guro, non-teaching personnel, at mga magulang mula sa Globe Filipino Teachers Program.
Bukod dito, hinihikayat ng Globe ang publiko na gamitin ang HOPELINE upang makatanggap ng libreng mental health support. Ang mga taong nakararanas ng krisis sa emosyon at nangangailangan ng agarang tulong ay maaaring tumawag sa 2919 (toll-free para sa Globe at TM subscribers), (02) 804-HOPE (4673), o 0917 558 HOPE (4673). Nakipag-ugnayan din ang kumpanya at ang New Good Feelings Mindstrong upang ang mga Globe at TM subscribers ay madaling makatawag sa NGF HOPELINE nang libre.
Suportado ng Globe ang pagdiriwang ng National Mental Health Week sa ikalawang linggo ng Oktubre. Kasali rin ang kumpanya sa pagdiwang ng World Mental Health Day sa Oktubre 10.
Mahigpit ding sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals. Itinataguyod din nito ang UN Global Compact Principles at nag-aambag sa 10 UN SDGs.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.