Kathryn, Daniel mainit na winelkam ang cast ng ‘2G2BT’: It’s finally happening!
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
NI-REVEAL na ng RGE Unit o ni Mamu Rizza G. Ebriega ang cast members ng bagong teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “2 Good 2 Be True” (2G2BT).
Base sa ginanap na storycon ng buong cast nitong Lunes ay ipinost sa RGE Twitter account ang mga artistang makakasama ng KathNiel kaya kaagad na silang nagpasalamat sa lahat.
Say ni DJ, “It’s an honor po na makasama ko kayong lahat and I’m very excited na makatrabaho kayo bilang bagong pamilya po namin ni Kathryn.”
“Maraming, maraming salamat po for this opportunity and for giving us this beautiful project excited lang kami ni DJ sa project na ito para makilala kayong lahat.
“So, good luck to us 2 Good 2 Be True talaga and it’s finally happening and congratulations team,” sabi naman ni Kath.
Naunang ipinakita ang mga larawan nina Kristel Fulgar, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, Matt Evans, Gillian Vicencio at Yves Flores Jenny Miller at Alyssa Muhlach.
Ka-join din sa show ang magkaibigang Cris Villanueva at Romnick Sarmenta na nahahalata naming lagi silang magkasama sa project, package deal ba ito dahil iisa ang management company nila na Clever Minds?
Kasama rin sa serye sina Smokey Manaloto, Gelli de Belen, Irma Adlawan at Gloria Diaz. At ang panghuling larawang ipinakita ay ang nag-iisang Ronaldo Valdez.
Binati naman ng “congratulations” nina Cris at Romnick sina Kathryn at Daniel para sa bago nilang TV series sa Kapamilya network.
“Congrats sa 10th anniversary n’yo,” sabi naman ni Matt.
Umamin naman si Alyssa na fan siya ng KathNiel, “I’m so excited to work with all of you, I’m a huge fan of KathNiel.”
Hindi naman napigilan ni Bianca ang kilig na naramdaman, “I grew up watching you so this is really a dream come true.
Gayun din ang aktor na si Smokey, “I’m so excited na makatrabaho ang lahat.”
Sey ni Gelli, “Very happy ako to be part of this.”
“I’m so happy and grateful na part ako ng bagong teleserye ng KathNiel,” sabi naman ni Jenny.
Kung masaya ang lahat ay mas masaya si Pamu dahil BFF niya si Kathryn at nagkatrabaho na sila sa pelikulang “She’s Dating A Gangster” noong 2014, “Nagpapasalamat po ako na nagkaroon ulit ako ng opportunity na makatrabaho ulit kayo.”
Pareho ring excited sina Kristel at Yves.
Ang Rise Artist na si Gillian ay excited pero kinakabahan.
Hindi lang ang KathNiel ang excited na makatrabaho ng premyadong aktres na si Irma kundi ang buong team lalo na sina Mamu Ryzza, Direk Mae Cruz-Alviar at Paco Sta. Maria.
Tulad ni Irma ay gayun din ang pakiramdam ni Gloria na muling makakatrabaho ang mga nabanggit na direktor at ang head ng RGE Unit.
Sabi naman ni Ronaldo, “Am sure we’re going to have fun so this is going to be good.”
Sa kasalukuyan ay wala pang target date kung kailan ang airing ng “2 Good 2 Be True.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.