The Clash 4 mas intense na bakbakan, madadramang kuwento ng buhay: Madudurog ang puso n'yo... | Bandera

The Clash 4 mas intense na bakbakan, madadramang kuwento ng buhay: Madudurog ang puso n’yo…

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 10:00 AM

IN FAIRNESS, simula pa lang ng “The Clash Season 4” ng GMA 7 talagang pasabog at paandar na ang showdown ng mga contestants.

Totoo nga ang sinabi ng The Clash Panel na sina Christian Bautista, Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha na mas matitindi ang talento ng bagong batch ng clashers ngayong season.

Bukod dito, kailangang abangan din ng manonood ang mga exciting twist at mas intense na comments ng mga judges. Nagpatikim na nga kagabi ang tatlong hurado sa mga clashers na unang tumuntong sa “The Clash” stage.

Ayon kay Christian, “Lahat sila mga dreamers, lahat sila may pinatutunayan, lahat sila merong pangarap at ginagawa nila ang lahat para maatim ‘yun. 

“Merong iba na talagang bigay na bigay, merong iba parang kailangan pa ng konting warm up, merong iba kailangan mong paluin pero lahat sila ibinibigay nila ang best nila,” pahayag pa ng Asia’s Romantic Balladeer sa ginanap na #TheClash2021FunCon nitong weekend.

Para naman sa nag-iisang Asia’s Nightingale Lani Misalucha, “Yung sa batch ngayon, maraming mga young ones and napakalaki ng pangarap nila, karamihan sa kanila siyempre gustong makilala, gustong magkaroon ng sarili nilang mga album.

“And then makatungtong sila sa entertainment business, mostly sa kanila, alam mo na mga Pilipino tayo, gustong makatulong sa pamilya,” aniya pa.

Sey naman ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai, hindi lang sa kantahan at biritan palaban ang mga clashers karamihan din sa mga ito ay pwedeng-pwedeng mag-artista.

“Ang batch ngayon sa totoo lang  magaganda tsaka magagaling kumanta, du’n sa ibang batches kasi maganda pero sakto lang yung boses. Ngayon nagsaswak eh, maganda na sila, magaling pa kumanta,” pagmamalaki pa ng komedyana.

Samantala, sabi ng isa sa mga Journey host na si Ken Chan, isa sa mga dapat abangan sa season 4 ng “The Clash” ay ang malateleseryeng buhay ng mga contenders.

“Most of them naapektuhan talaga ng pandemic, so kapag pinapakinggan namin yung mga kwento nila, bawat isa sa kanila, talagang yung puso mo madudurog.

“Every story na maririnig mo sa mga clashers natin unique and relatable at marami talagang ma-i-inspire na mga Kapuso natin na manonood,” chika ni Ken.

“There will be twists and bagong mechanics kung paano ba tatakbo yung bawat rounds,” ang chika naman ng Asia’s Limitless Star at Clash Master na si Julie Anne San Jose.

Dugtong pa niya, “So we’re also very happy and excited because yung iba sa kanila ay na-meet na namin, narinig na namin yung kanilang mga boses at nakita na namin yung performances nila so talagang magkakatalo-talo na lang talaga sa kakayahan nila.”

Ito naman ang sabi ng Clash Master na si Rayver Cruz, “Kahit kaming mga hosts ay excited na kami na mapanood n’yo yung gawa namin.”

Sabi ng isa pang Journey Host na si Rita Daniela, “Ako para sa akin intense yung comments ng judges, yung ating ‘The Clash’ panel, isa yun sa kailangan nilang abangan, para sa akin bilang journey host and also bilang manonood o audience, mas intense yung comments talaga base dun sa performances ng clashers for this season.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong gabi, magpapatuloy ang unang linggo ng bakbakan sa “The Clash Season 4” sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending