Beauty kinikilig kapag tinatawag na Ms. Bridgette: It's more than an award for me! | Bandera

Beauty kinikilig kapag tinatawag na Ms. Bridgette: It’s more than an award for me!

Ervin Santiago - October 03, 2021 - 09:10 AM

Kelvin Miranda at Beauty Gonzalez

HABANG nagpapakaligaya sa Europe ang bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, patuloy din ang pag-ariba ng kauna-unahan niyang teleserye sa GMA, ang “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.”

Isang buwan nakabakasyon si Beauty at pagkatapos nito ay babalik na rin siya sa Pilipinas para sa bago niyang project sa Kapuso network na isa uling bonggang teleserye kung saan siya uli ang pinakabida.

Ayon sa aktres, isa ito sa mga nasa bucket list nilang pamilya matapos magkaroon ng health scare ang asawa niyang si Norman Crisologo.

Pahayag ni Beauty sa GMA, “Isa ‘yun sa nakakalokang nangyari sa taon ko ngayon. When he survived COVID, we went to Negros, to Dumaguete, my hometown. 

“We stayed there for a month. Sabi ko, we have to do things we haven’t done before kasi ang iksi ng panahon. We got certified as divers. We wanna invest more in experience,” aniya pa.

Chika pa ng leading lady ni Kelvin Miranda sa “Loving Miss Bridgette”, nagpunt rin sila sa Amsterdam ng kanyang asawa pagkatapos nilang mag-stay ng dalawang linggo sa Paris.

Isa sa mga dahilan ng pagbisita nila sa Europe ay para mapuntahan ang mga museum at makita ang mga naka-display na artworks doon.

Samantala, madaling naging close ang tambalang Beauty at Kelvin sa set ng “Loving Miss Bridgette”
nang dahil sa pagkahilig nila pareho sa art.

Ani Kelvin sa isang interview, “Si Beauty kasi, kolektor siya. Mga lumang gamit, kolektor siya so nakakatuwa at nakakmangha. Grabe ‘yung pagmamahal niya sa arts. 

“Bata pa lang ako, ‘yan na ‘yung hilig ko, e, artworks, music. Tapos nakikita ko na naa-appreciate niya, so ‘yun na kagad ‘yng nag-unlock ng inhibitions ko para kausapin siya, para maging close kami,” kuwento ni Kelvin.

Of course, super happy din ang dalawa at ang buong production ng serye dahil sa patuloy na paghataw sa ratings game ng “Loving Miss Bridgette.”

Sabi nga ni Beauty sa panayam ng “24 Oras”, “When they start calling my name Bridgette, nakakakilig for me. It’s more than an award for me. It means that you’re doing a good job.”

Hirit naman ni Kelvin, “‘Yun po ‘yung importante, ‘yung magustuhan ng mga manonood ‘yung inihahain naming tema, konsepto o kuwento sa kanila pang araw-araw. 

“Kasi ‘yun ‘yung makaksama nila sa tahanan kapag wala ‘yung kanilang mga mahal sa buhay, may mga ginagawa sila. Parang gusto namin maramdaman din nila na kasama nila kami sa hapon,” dagdag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

More pakilig, more pampa-good vibes na eksen at more exciting twist and turns ang mapapanood sa pagpapatuloy ng “Loving Miss Bridgette”, tuwing 3:25 sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending