Aktres nahihiyang kibuin ang dating dyowa dahil sa ginawang eskandalo noon? | Bandera

Aktres nahihiyang kibuin ang dating dyowa dahil sa ginawang eskandalo noon?

Reggee Bonoan - October 01, 2021 - 03:46 PM

Bagama’t masaya na sa buhay niya ngayon ang aktres kapiling ang asawa’t mga anak ay hindi pa rin sila okay ng ex-boyfriend niyang aktor na naka-live in niya ng mahigit tatlong taon.

Ang sitsit ng aming source ay baka nahihiya na lang ang aktres na kibuin o batiin ang ex-boyfriend niyang aktor dahil sa eskandalong ginawa niya noon na marami ang nadamay.

Dahil ang isa pang ex-boyfriend niyang aktor din ay maganda ang relasyon nila at nakasama pa nga niya sa isang programa. Nagkakatawanan na lang sila kapag natatanong ng media tungkol sa nakaraan nila.

“E, kasi grabe ang ginawa niyang gulo noon, ilang tao ang nadamay dahil sa kalokahan niya. Hindi niya kasi matanggap na hiwalay na sila ni (ex-boyfriend na aktor) almost three years na, hindi pa siya maka-move on.

“Si (ex-boyfriend na aktor) may iba ng girlfriend that time at nagkita sila hayun nagwala-wala, pati ‘yung girlfriend ni (aktor) inaway pati ‘yung isa pang ex-girlfriend din ginulo kaya naloka lahat, anong nangyayari raw.

“Kaya hayun pinatawag lahat ng management ng network kasi siyempre nakakahiya dahil maraming nakaalam at tinanong anong puno’t dulo.

“Pinagpahinga si (aktres na nagwawala) muna. Kaya nga ang tagal niyang nawala di ba? Tapos nabalitaan na lang may asawa’t mga anak na.

“At least masaya na siya sa buhay niya, pati na rin ‘yung mga taong ginulo niya sa kagagahan niya. ‘Yun lang hindi pa rin sila nag-uusap ni (ex-boyfriend na aktor),”mahabang kuwento ng aming source.

Ang nakakaaliw, nasa iisang network lang lahat ang mga bida sa blind item na ito.

Sa kasalukuyan, ang ex-boyfriend na aktor ay masaya sa kanyang lovelife dahil ang kanyang girlfriend ay nakatala ang pangalan sa listahang ng magagandang babae sa buong mundo. Bukod dito ay parehong mayabong ang showbiz careers nila na kaliwa’t kanan ang projects.

Si aktres ay may upcoming project sa network na nagbigay sa kanya ng second chance.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending