Ate Girl may paburol kay Liam Payne: 'Seryoso te? May sopas ba?'

Ate Girl may paburol kay Liam Payne: ‘Seryoso te? May sopas ba?’

Ervin Santiago - October 22, 2024 - 12:05 AM

Ate Girl may paburol kay Liam Payne: 'Seryoso te? May sopas ba?'

Liam Payne at ang babaeng fan na nagsagawa ng burol para sa kanyang idol

MAY nakisimpatya at meron ding nam-bash sa isang babaeng nagsagawa ng sariling burol para ipagluksa ang pagkamatay ng One Direction member na si Liam Payne.

Kalat na ngayon sa social media ang litrato ng fan at supporter ni Liam kung saan makikita ang inihanda niyang wake para sa namayapang idolo.

Hindi raw kasi siya makakapunta sa United Kingdom para personal na makiramay sa pagkamatay ni Liam na nahulog mula sa 3rd floor ng tinutuluyang hotel sa Buenos Aires, Argentina.

Sa VIRAL Trendz PH Facebook page, makikita ang litrato ng isang nakaitim na babae na nakaupo malapit sa isang puting kabaong na napapalibutan ng mga bulaklak.

Baka Bet Mo: Pinoy celebs nabigla, nalungkot sa biglang pagpanaw ni Liam Payne

Base sa mga comments ng netizens, talaga raw super fan ni Liam at ng One Direction si Ate Girl kaya hindi nakapagtataka ang ginagawa nitong pagluluksa ngayon.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga nakakita sa naturang post, may mga nakakaintindi sa feelings ni Ate Girl pero meron ding nagsabing nauna pa raw siya sa pamilya ng yumaong international singer sa burol at grabe mag-feeling wifey.

May kumuwestiyon din sa nasabing photo at nagkomento na baka raw edited laming ito at wala naman talaga nangyaring lamay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liam Payne (@liampayne)


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa FB.

“Nauna kapa sa pamilya, te.”

“Seryoso ka ate??”

“May sopas ba diyan?”

“Kaano-ano ka ni liam te? labas ka na dyan yung nanay mo talo na sa bingo.”

“San yan madam? magsusugal lang ako palaguin ko lang pera ko habang kumakain ng mainit na sopas.”

“Saan po ‘yan puwede po mag-tong its at pusoy?”

“Its fine. Kahit nga ako sobra pa sa na heart broken.”

“Kapag LGBTQ articles todo support at plug, pero kapag straight na white male ganito, hayaan nyu siya hindi naman kayo gumastos.”

“Don’t invalidate the feeling okay lang ‘yan.”

“Hayaan n’yo siya, siya naman gumastos niyan.”

“Its fine kahit nga ako subra ako nalungkot. ”

“May pambili siya ng bulaklak at ataul.”

Balitang umabot sa 25 injuries ang tinamo ni Liam Payne matapos mahulog mula sa 3rd floor ng tinutuluyang hotel.

Namatay si Liam nitong nagdaang Huwebes na talagang ikinagulat ng kanyang mga fans and supporters mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Base sa mga naglabasang report mula sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa Argentina at sa resulta ng autopsy, nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Liam.

Ayon pa sa ulat, ang mga sugat at pinsala sa katawan ni Liam ay consistent sa mga injury na may kinalaman sa pagkahulog.

Nakasaad din sa resulta ng imbestigasyon, mag-isa lang si Liam sa kuwarto ng tinutuluyang hotel nang mangyari ang insidente.

Posibleng nakaranas din umano ng “episode” ang international singer dahil sa hinihinalang substance abuse.

Nabatid din na may mga nasirang gamit sa loob ng kanyang hotel room. Natagpuan din ng mga imbestigador sa kuwarto ang hinihinalang droga at alcohol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron din silang nadiskubreng isang cellphone, lighter, energy packs, at anxiety medication.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending