Hotel kung saan nahulog si Liam Payne sinalakay ng pulis

Hotel kung saan nahulog si Liam Payne sinalakay ng pulis sa Argentina

Ervin Santiago - October 27, 2024 - 12:05 AM

Hotel kung saan nahulog si Liam Payne sinalakay ng pulis sa Argentina

Liam Payne

SINUGOD ng mga pulis sa Argentina ang isang hotel sa Buenos Aires kung saan nag-stay ang former member ng One Direction na si Liam Payne.

Namatay si Liam matapos mahulog mula sa balkonahe ng kanyang tinuluyang kuwarto na matatagpuan sa 3rd floor ng naturang hotel.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng otoridad sa Argentina ang pagkamatay ng international singer para matukoy kung aksidente o may foul play sa naganap na insidente.

Base sa ulat, mga operatiba mula sa special investigations and technology divisions ang sumalakay sa Casa Sur Hotel ng prosecutor’s office upang makakuha ng karagdagang ebidensya sa pagkamatay ni Liam.

Baka Bet Mo: Liam Payne nagtamo ng 25 injury, anu-ano ang natagpuan sa kwarto?

Nabatid na ilang imbestigador ang nag-check sa mga computer na matatagpuan sa lobby counter ng hotel.

Naganap ang pagsalakay ng Argentian police isang araw matapos magpunta sa Argentine prosecutor’s office ang tatay ni Liam na si Geoff Payne.

Dito, siniguro umano ng pulisya sa ama ni Liam na hindi muna nila ilalabas at isasapubliko ang lumabas na resulta ng isinagawang toxicology test sa namatay na singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Naglabas kasi ang US media kamakailam na may nadiskubreng ilang klase ng drugs sa katawan ni Liam base sa resulta ng toxicology test na isinagawa sa bangkay ng singer.

Kabilang umano sa nakita sa partial autopsy report sa sistema ni Liam ang “pink cocaine” na naglalaman ng methamphetamine, ketamine at MDMA. Ito’y base raw sa ibinigay na impormasyon ng  anonymous sources.

Pero sinabi ng prosecutor’s office, “It had not disclosed any specific technical report outside the exclusive framework of the investigation and the judicial process corresponding to the case.”

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring sinusuri ng mga imbestigador ang mga cellphone, computers, mga litrato at video mula sa mga security camera ng hotel.

Pinag-aaralan din ang mga pahayag ng mga saksi na huling nakakita kay Liam bago at pagkatapos ng naganap na malagim na insidente.

Maaaring matapos daw ngayong linggo ang toxicological analysis na isinagawa kay Liam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang natagpuan ang katawan ng 31-anyos na British pop singer matapos tumawag ng dalawang beses sa emergency services ang isang empleyado ng hotel tungkol sa bisita nilang nasa impluwensiya ng “drugs and alcohol” at naninira umano ng mga kagamitan sa kanyang kuwarto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending