Jaya hands-on wifey at mommy sa US: Sanay na sanay na ako sa mga gawaing bahay dito | Bandera

Jaya hands-on wifey at mommy sa US: Sanay na sanay na ako sa mga gawaing bahay dito

Ervin Santiago |September 30,2021
facebook
share this

Jaya hands-on wifey at mommy sa US: Sanay na sanay na ako sa mga gawaing bahay dito

Ervin Santiago - September 30, 2021 - 11:59 AM

Jaya

INE-ENJOY ng Soul Diva na si Jaya ang pribadong buhay niya ngayon sa Amerika kasama ang kanyang asawa at mga anak.

In fairness, proud na ibinandera ng Kapamilya singer na super hands-on wifey at mommy siya ngayon dahil siya raw talaga ang halos gumagawa sa kanilang bahay.

Maayos at masaya naman daw ang buhay nila ngayon sa US, ngunit aminado siyang nami-miss na rin niya ang Pilipinas.

“Madaling mag-adjust kasi paroo’t parini naman kami rito. And the kids grew up coming back and forth sa Washington. Malamig na ulit so masaya,” sey ni Jaya sa panayam ng programang “Sakto.”

Ibinalita rin ng OPM icon na nag-aaral na rin sa isang public school doon ang mga anak niyang sina Sab at Dylan.

“Sanay na sanay na rin ako sa mga gawaing bahay dito at masaya ako dahil form of exercise ko na rin ang maglinis. Maliit lang naman ang aming tahanan pero ako talaga ang nagma-manage pagdating sa linisan. So ehersisyo siya kumbaga,” chika pa ni Jaya sa nasabing interview.

Kuwento pa niya, maganda rin ang epekto sa kanya ng regular exercise at tamang gabay ng doktor dahil meron daw siyang Type 2 Diabetes na maaaring magkaroon ng kumplikasyon sa puso kapag na kapabayaan.

“Sa akin ang exercise ko since few weeks lang ako mag-gym I work out with my kids and my husband. Ang ginagawa ko ay two hours.

“Basta ang importante you are always checking your food intake. Pero siyempre may katigasan ng ulo minsan, nag-i-indulge like ice cream or whatever, pero hindi naman siya bawal, huwag mo lang gagawin palagi. Kailangan ingat sa food,” paliwanag pa ng Queen of Soul.

Masaya rin niyang ibinalita sa madlang pipol na very soon ay babalik na rin siya sa pagtatrabaho sa Amerika.

“Sa awa ng Diyos dito naman I am going to be working very soon. So dito muna po ako. Sa lahat po ng mga Kapamilya nating nanonood, na-mi-miss ko na rin po kayo at mahal na mahal ko kayo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa isa niyang post sa Instagram, magkakasama uli sila ng King of R&B na si Jay-R sa isang concert na magaganap sa Seattle sa darating na Dec. 2.

Kung matatandaan, naging emosyonal si Jaya nang pormal na magpaalam sa “It’s Showtime” bilang hurado sa “Tawag Ng Tanghalan” para doon na manirahan sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending