Madam Inutz nakipagwalwalan kay Pastillas Girl; attracted sa sariling manager? | Bandera

Madam Inutz nakipagwalwalan kay Pastillas Girl; attracted sa sariling manager?

Therese Arceo - September 29, 2021 - 03:26 PM

TAWANG-TAWA ang mga netizens sa naging walwalan session nina Madam Inutz at ni Angelica Yap aka Pastillas Girl.

Sa latest vlog kasi ni Angelica ay nagkaroon sila ng collab ni Madam Inutz kung saan naglaro sila ng “Spill or Drink”.

Ang mechanics ng game ay magtatanong sila sa isa’t isa at kung hindi nila ito masasagot ay kailangan nilang uminom ng alak.

Game na game naman ang dalawa at walang keme sa pagsagot ng mga tanong.

Unang tanong pa lang ay juicy na ang tanungan. Inintriga agad ni Madam Inutz kung ano ang pinakamalaking na-invest ni Angelica sa lalaki na agad kinataas ng kilay ni Angelica.

“So mukha akong gumagastos sa lalaki, Madam? ‘Wag kang magmalinis, ganyan ka rin,” sey ni Angelica.

Ngunit sinagot pa rin niya ang tanong at sinabing isang mamahaling sasakyan na ibinigay niya sa dyowang rapper at songwriter na si Flow-G noong nag-birthday ito.

Ganting tanong naman ni Pastillas Girl, ano ang pinakatangang ginawang ni Madam Inutz.

Una ay wala raw siyang maisip na ginawa niyang katangahan ngunit nang painumin siya ng alak ni Pastillas Girl ay biglang may naisip na siya.

“Malaking katangahan ko na nagawa, ‘yung umasa ako sa ex ko. Hindi ako nagtrabaho.

“Gusto kong magtrabaho pero siya ‘yung may ayaw. Syempre may anak kami, gusto niya kasi lahat ilaan ko ‘yung oras sa anak namin tsaka sa kanya,” sagot ni Madam Inutz.

Katangahan raw ‘yun para sa kanya dahil nang naghiwalay sila ay nganga siya.

Ang mga sumunod naman na katanungan ay rated SPG at ang nakakaaliw pa rito ay walang kaabog-abog na sinagot ng dalawa ang mga tanong kaya wala pa ring umiinom ng alak sa kanila.

Ngunit nang tanungin na ni Madam Inutz kung may nakarelasyon na bang artista si Angelica ay dito na tuluyang napainom ang dalaga dahil wala daw siyang naging jowa sa showbiz.

“Wala? Okay. Ako sa ganda kong ‘to, alam ko for sure maraming papatol na artista sa akin. Makapal mukha ko, e.

“Tignan mo, pag ako talagang umangat nang umangat, sinasabi ko, kakainin nila akong lahat. Mangyayari ‘yan,” proud at natatawang saad ni Madam Inutz.

Palaban talagang sumagot si Madam Inutz dahil nang tanungin ni Angelica kung sino ang ex na sinasabi nya sa viral video niya sa TikTok na nag-message sa kaniya matapos niyang mag-trending ay sinagot niya ang full name nito,

Habang nagko-collab sila ay nasa likod naman ng camera si Mamshie Wilbert kaya naman diretsahan nang tinanong ni Angelica si Madam Inutz kung totoong may pagdadamot bang naganap sa kaniyang management.

“Ay Diyos ko, wala kasi sobrang mapagbigay ni Sir Wilbert. Ito wala mang naniniwala sa inyo kasi ang mga tao, irita ako sa mga comment. Ang sarap magsalita kaso nga lang mas pinili ko na lang manahimik.

“Kasi mga nakikita ko sa mga comment, ‘Ayan si Sir Wilbert ginagatasan lang si Inutz’, ay Diyos ko, maling mali kayo.

“Si Sir Wilbert pa ‘yung nagbibigay. Ayokong tanggapin kasi nahihiya ako kasi ‘yung ginawa niya sa ‘min ni Nanay nung first na nag-meet kami. Since pumasok si Sir Wilbert sa buhay namin, parang nag-iba na.

“Masakit para sa ‘kin ‘yun kasi wala silang alam. Ang hirap magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak so ako na lang ang maglalawak. Ako na lang ang mag-a-adjust kasi mas alam ko ‘yung nangyayari sa ‘kin ngayon,” naiiyak na sagot ni Madam Inutz na sinang-ayunan ni Pastillas Girl.

Usapang love life naman ang sumunod na tanungan ng dalawa.

Tanong ni Inutz, tingin ba ni Angelica ay magiging sila ba ni Flow G kung di siya sikat.

Madami na raw ang nagtatanong nito sa dalaga ngunit kahit kailan ay never pa niya itong nasagot.

“Para kasi sa akin, hindi naman talaga kami magkakaroon ng pagkakataong magkakilala ni Archie kung hindi ako si Pastillas Girl at kung hindi siya si Flow G, malabong magkakilala kami kasi taga-south siya, ako taga-north. So paano magkukrus ‘yung landas namin,” sey ni Angelica.

“Bakit ikaw may sikat na dyowa? Ako wala,” pabirong tanong ni Madam Inutz.

Sagot naman ni Pastillas Girl, dumaan muna siya sa maraming heartache bago nito nakilala ang dyowa ngayon.

“Ano ka? Sobrang suwerte mo naman eh kakasikat mo pa lang. Maghintay ka muna. Baka mamaya binatilyo pa ‘yung para sa ‘yo,” saad ni Pastillas Girl sabay tanong kung okay lang ba kay Inutz na mas bata ang maging dyowa kaysa sa kanya.

“Ayoko, hindi ako na-aattract sa bagets. Pagka-manliligaw sa akin si Sir Wilbert,” sey ni Inutz sabay tawa.

“Uy, alam mo ‘yan. Minsan kapag nararamdaman mong tumatanda ka na Sir Wil, kailangan mo ng karamay. Minsan alam mo Sir Wilbert, maiisip mo na lang yan, ‘kailangan ko na pala ng ka-partner sa buhay’,”dagdag pa nito.

Agad namang nag-agree si Pastillas Girl sa sinasabi ni Inutz.

“Kaya pinag-adyang ipagsama tayo Sir Wil,” sey pa nitong muli.

“Ta*na mo, Inutil. Mag-isip ka. Bakla ako,” sagot naman ni Momshie Wilbert.

“May rason kung bakit kayo nagkakilala ni Momshie Wilbert,” saad ni Pastillas Girl.

Kitang-kita naman si Momshie na nanghahampas ng unan sa dalawa sabay sabing, “Umayos kayong dalawa dyan.”

“Uy, minsan ganon talaga nangyayari. Minsan talaga maiisip mo, ‘Ay napo-fall ako kay Inutz,” natatawang sabi ni Madam Inutz habang umiiwas sa hampas ni Momshie Wilbert.

Inasar pa ng dalawa si Momshie Wilbert na kinikilig dahil namumula ito.

Kuwento pa pala ni Inutz, paniguradong marami ang kikiligin kapag itinuloy nila ang nirerequest ng mga netizens na “Dyowa Challenge”.

Humingi pa nga ang dalawa ng suggestions sa mga netizens kung ano ang magandang pangalan para sa love team ng dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aliw talaga ang vlog at kahit ako ay napapaisip kung paano nga kung magkatuluyan ang dalawa dahil parehas silang single, oh jiiiva?

Gaya nga ng sabi ni Pastillas Girl, may rason kung bakit sila pinag-meet ni Lord at malay naman natin ‘di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending