#GameOver: Pacquiao goodbye na sa boksing, maghahanap na raw ng bagong kampeon | Bandera

#GameOver: Pacquiao goodbye na sa boksing, maghahanap na raw ng bagong kampeon

Ervin Santiago - September 29, 2021 - 02:18 PM

Manny Pacquiao

“GAME over!” Tinapos na nga ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kanyang boxing career na tumagal ng halos tatlong dekada.

Matapos ngang ibandera ang planong pagtakbo bilang Pangulo sa May, 2022 elections, nagdesisyon ng ang senador na magretiro na sa pagboboksing.

“It is difficult for me to accept that my time as a boxer is over. Today, I am announcing my retirement,” ang emosyonal na pamamaalam ni Pacquiao sa ipinost niyang video sa Facebook.

Aniya, “I never thought that this day would come. As I hang up my boxing gloves, I would like to thank the whole world, especially the Filipino people, for supporting Manny Pacquiao.”

Base sa record, nakapagtala ng 62 wins, eight losses at two draws si Pacman at 39 sa kanyang winning moments ay mga pasabog na “knockout.”

Ilan sa mga hindi malilimutang laban ni Pacquiao ay ang pakikipagbakbakan niya sa mga kapwa niya boxing legends na sina Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Oscar De La Hoya, Miguel Cotto, Juan Manuel Marquez at Floyd Mayweather, Jr..

Base sa isang report, aabot umano sa $220 million ang kinita ni Pacquiao sa pagboboksing.

“Who would have thought that Manny Pacquiao will end up with twelve major world titles in eight different weight divisions? Even me, I’m amazed at what I have done.

“Hold the record of being the only boxer to hold world titles in four different decades, and become the oldest fighter to win a world welterweight title? Amazing accomplishment that I never thought I would accomplish,” pahayag ng senador.

“I just heard the final bell. Tapos na ang boxing,” aniya pa.

Kung matatandaan, sinabi na rin ito ni Pacquiao sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga. Aniya, “Tapos na. Kasi matagal na din ako sa pagbo-boxing. ‘Yung pamilya ko, laging sinasabi ‘tama na’. Nagtuloy-tuloy lang ako kasi passionate ako sa sport na ito.

“Magsu-support na lang ako ng mga boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit,” sabi pa niya.

Ang last fight ni Pacquiao ay naganap nitong Aug. 21, 2021 kung saan natalo siya (via unanimous decision) ni Yordenis Ugas ng Cuba. 

Kamakailan ay tinanggap na nga niya ang PDP-Laban faction nomination para tumakbong pangulo sa 2022 presidential elections.

“I am a fighter and I will always be a fighter inside and outside the ring. Ang Manny Pacquiao na nasa harap ninyo ngayon ay pinanday ng hirap.

“Ang Manny Pacquiao na pilit nilang pinababagsak ay ilang beses nang bumangon, nagsikap at nagtagumpay…alam ko ang hirap na naranasan ninyo at alam kong pagod na pagod na kayong lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Panahon na upang manalo naman ang mga naapi. Panahon na upang makabangon ang bayan natin na lugmok sa kahirapan,” sabi ni Pacman sa kanyang speech.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending