Nikko na-bash dahil sa Squid Game paandar; Vice may hugot sa ‘kutsilyo’
Nikko Natividad at Vice Ganda
LAUGH kami nang laugh sa cooking session ni Vice Ganda with her friends Negi and Petite.
Nang hiwain na kasi ni Negi ang mais ay napansin ng “It’s Showtime” host na putol ang kutsilyong ginamit nito.
“Uy, ano ba naman to? Ang dami nating kutsilyo. Bakit putol? Penge ng magandang kutsilyo. Jusko! Nakakahiya, ah. Maookray tayo niyan.
“Ang pangit-pangit nito. Ang pangit ng mga kutsilyo. Nasan ‘yung kutsilyong magaganda? Kunin n’yo. Nakakahiya!” tili ni Vice Ganda.
“’Di ba ang mga Pinoy ipinapakita natin ‘yung magaganda pero ang ginagamit natin…ang totoo, hiyang tayong ginagamit ‘yung mga chararat.
“Yung may mga putol, ‘yung may mga bakbak, ayan. Pero ‘pag makikita ng ibang tao, ilalabas natin (yung mga magaganda),” say pa ng TV host.
Ibinuking naman ni Negi na super luma ang oven toaster na gamit ni Vice.
“Kung nakita lang ng tao ‘yun. Naku, kung nakita n’yo lang ang oven toaster, grabe, lumang-luma na,” pambubuking ni Negi.
“Hindi, kasi ang lola ko ganyan din. Kahit ‘yung mga lumang gamit ay hindi talaga itinatapon,” say pa ni Negi.
“Bago lang ‘tong bahay namin pero ang mga gamit namin, naku mga luma pa rin ginagamit ko, ‘no! Saka ang tagal na niyan. Nakatira pa ako sa Project 6 ito na ang kutsilyo namin. Saka ang talim-talim kaya nito,” say ni Vice Ganda.
* * *
Kaaliw itong si Nikko Natividad. Maaanghang kasi ang mga tweet niya at minsan ay medyo sexy pa.
His latest tweet ay tila inspired ng hit Korean series na “Squid Game”, “Crocodile Game. Ang pinakamahabang series sa Pilipinas. Sinu kayang mananalo? Hindi natatapos pano walang na eeliminate pag natataya.”
With that ay na-bash nang husto si Nikko sa social media.
“Ayusin mo familya mo cgeng kontra sa gobyerno..dba kinakarma ka sa ginagawa mo. wla ka nagawa sa gobyerno feeling mo talino mo bobo!!! pamilya mo lang sinisira mo kaya ka layasan ng live in partner mo?”
“Napakaingay nitong Nikko na toh! Masyado ng papansin, wala namang kwenta mga pinagsasasabi bweset.”
“Nagbabaka sakaling magka career! Kaya laging naputak! Manahimik ka magbanat ka ng buto hwag papansin!”
“Hanggang ngayun pala bumubula pa rin bibig nyan, ganyan din ba yan nung past administration? Lol.”
Pero meron namang nagkagusto sa kanyang tweet who said, “I like it!! and it will never happen without compassion. so the point there is do you have trust to serve the people, or, neither have trust to serve yours? on the other side…voting is for the right one!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.