Pacman kinampihan ni RR: Manny is just a normal human being just like you and me | Bandera

Pacman kinampihan ni RR: Manny is just a normal human being just like you and me

Therese Arceo - September 23, 2021 - 07:44 PM

SINAGOT ng tinaguriang “Queen SawsaweRRa” na si RR Enriquez ang tanong na palagi niyang natatanggap mula sa mga netizens.

Ipinost nito sa kanyang Instagram account ang screenshot na may tanong kung ano ang masasabi niya sa naging remark ni Sen. Manny Pacquiao ukol sa mga LGBTQ+ community gayong parte ng komunidad ang kanyang kapatid na si Melissa Enriquez.

“Manny is just a normal human being just like you and me. Lahat tayo may mga masasabi, magagawa ng sa huli pagsisihan natin kung bakit natin nasabi yun,” umpisa ni RR.

Ayaw raw niyang i-judge ang senador at pambansang kamao sa kaniyang sinabi kahit pa parte ang kapatid niya sa pinasaringan ng pambansang kamao.

“I’m sure lahat tayo may nagawang mali or nasabing mali or naka offend tayo ng tao minsan sa buhay natin.

Mas gusto ko mag focus sa kabutihang nagawa ng isang tao.. I’m sure madami din nagawang mabuti si Manny,” pagpapatuloy niya.

Sey pa niya, nalulungkot siya dahil ugali na raw ng mga Pinot na mag-focus sa mga maling nagawa ng isang tao kaysa sa nagawa nitong kabutihan.

“Parang bawal ka magkamali sa mundong ito. Dahil kapag nagkamali ka limot na nila na mabuti ka din palang tao. May nagawa ka din na tama,” dagdag pa nito.

Biro pa niya, kung lahat raw ng mga nakikisawsaq ay katulad niya mag-isip ay baka magkaroon daw ng chance na isa sa mga most #SawsaweRRaWithAHeartCountry ang bansa.

“Huwag masyadong OA kung hindi ka naman perfect,” hirit ng TV personality sa mga bashers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending