Mariel may nakakalokang koleksyon; Heart pinakyaw ang mga sapatos ni Ruffa Mae | Bandera

Mariel may nakakalokang koleksyon; Heart pinakyaw ang mga sapatos ni Ruffa Mae

Therese Arceo |September 23,2021
facebook
share this

Mariel may nakakalokang koleksyon; Heart pinakyaw ang mga sapatos ni Ruffa Mae

Therese Arceo - September 23, 2021 - 06:49 PM

IPINASILIP ni Mariel Rodriguez ang kaniyang kakaibang collection na hindi aakalain ng madlang pipol na mayroon siya, mga baril.

Malayo kasi sa image nito ang magkaroon ng ganito dahil ang madalas naman nitong ipakita ay ang mga koleksyon niya ng headbands, bags at mga plato kaya hindi talaga iisipin ng netizens na may ganito siyang uri ng koleksyon.

“It all started noong 2011, if I’m not mistaken, 2011 or 2012, niregaluhan ako ni Robin ng isang hand gun.

“It was glock 17. Nagulat ako because hindi naman ako talaga shooter,” kuwento ng asawa ni Binoy.

Dagdag pa niya, hindi naman na iba sa kaniya ang makakita ng baril dahil noong lumalaki siya ay nakikita na niya ito sa mga koleksyon ng kanyang lolo.

Kuwento pa nito, nagulat siya nang unang malaman na may shotgun ang kaniyang mother-in-law. Napag-alaman niya ito nang minsang sabihin ng ina ni Robin na mukhang kailangan na ng langis ng kanyang shotgun. Bago pa raw siya noon sa pamilya kaya nagulat siya nang malaman na may baril ang biyenan.

Ayon sa kaniya, una niyang natry gumamit ng aktuwal na baril noong tinuruan siya ni Robin sa bundok sa Tanay, Rizal kung saan takot na takot siya.

Na-try na rin daw niyang magpaputok ng baril sa isang drama series na “Rouge” na ginawa niya sa Singapore ngunit hindi daw ito totoong baril at ginagamit lang ito sa pelikula.

“All the guns are licensed. All the guns have their permits. I have my license. All of these are legal,” saad ni Mariel.

Sey naman niya, nakatago sa secured vault nila ang kanilang mga gun collections at malayo sa mga bata.

“Hindi ka puwedeng basta basta lang na gun owner, you have to be a responsible gun owner. ‘Yun ang pinakaimportante sa lahat. Nagloloko-loko ako dito, nagjojoke joke ako pero I take it very seriosly.

“Hindi ko binibiro-biro na nandon ang mga anak tapos may mga baril na nakakalat around, hindi ganon. Never ever.

“This is all for collection and not used for violence, ever. Most of the times for movies. Nandyan rin ‘yung for security, for protection but not for violence,” pagbibigay diin ni Mariel.

* * *

Speaking of collection, isa rin si Heart sa mga celebrities na certified collector.

Sa kaniyang latest vlog ay ibinahagi nito ang kaniyang napakaraming koleksyon ng mga sapatos.

Una raw itong nagsimula ang kaniyang pagmamahal sa mga ito noong bata pa siya.

Kuwento pa niya, sinubukan niyang isuot ang Escada strappy shoes ng ina. Sinubukan niya ito at bumaba sa hagdan kung saan nahulog siya at tumama sa isang glass table.

Ito nga ang dahilan bakit may slice sa bandang right eye ang aktres.

Dahil na rin sa kaniyang height ay mas minahal niya ang mga sapatos na may mga matataas na takong.

Ikinuwento ng aktres na isa sa mga kasamahan niya sa industriya na may magandang shoe collection ay si Ruffa Mae Quinto.

Kaya hindi na sinayang ni Heart ang pagkakataon na pakyawin ang mga sapatos nito nang magbenta ito sa kaniyang Instagram account.

“Sobrang ganda ng collection niya, as in almost all runways,” sey ni Heart.

Humingi naman ito ng paumanhin sa mga tao dahil pinakyaw niya ang binebenta ng aktres.

I’m sorry guys kung wala kayong naabutan kasi binili ko na lahat ng magaganda.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento pa niya, may ilang mga sapatos rin na binigay na lang ni Ruffa Mae sa kaniya dahil mura lang naman daw ito.

Grabe talaga ang mga koleksyon ng mga artista! Kung ikaw ang papipiliin, kanino mo gustong mag-room tour? Kay Mariel o kay Heart?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending