Pia binasag ng basher: Walang ibang career si girl kundi magpa-pictorial! Waleyyyy! | Bandera

Pia binasag ng basher: Walang ibang career si girl kundi magpa-pictorial! Waleyyyy!

Ervin Santiago |September 23,2021
facebook
share this

Pia binasag ng basher: Walang ibang career si girl kundi magpa-pictorial! Waleyyyy!

Ervin Santiago - September 23, 2021 - 09:04 AM

Pia Wurtzbach

“ONE day gigising kang laos na, wala ka man lang ginawa!” Yan ang comment ng isang basher sa isang Instagram post ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Walang takot na binanatan ng nasabing netizen ang actress-beauty queen at diretsahang tinira ang hindi na aktibong showbiz career ng dalaga.

Pang-ookray ng basher, “Walang ibang career si girl kundi magpa pictorial. Mag vlog about pageant pa din! Move on gurl sa mga pageant na yan!

“We are expecting big events in ur career and in your life!!! MOVIES waley??? TV SHows waleyyy din??!” sabi pa ng hater. Sinabihan din niya ang aktres na maghanap na ng ibang talent manager para tumulong sa career niya.

“One day gigising nalaos ka na lang wala ka man lang ginawa!” sabi pa ng basher gamit ang mga hashtag  na #pictorialqueen at #puropictorialwalangganap.

Idinamay pa nga ng netizen si Miss International 2016 Kylie Verzosa, buti pa raw ang girlfriend ni Jake Cuenca ay sunud-sunod ang pelikula kumpara sa kanya na matagal nang walang project.

Sinagot naman siya ni Pia at nagpaliwanag kung bakit hindi na siya nag-aartista, “Ayoko na sana magreply sa mga fake accounts but just so you guys know im very happy for my friends who are doing so well in showbiz! totoo yan!

“But for me its not a personal goal anymore! Im so happy and grateful for the blessings I have now (heart emoji).

“I found the perfect balance of doing what I love and being happy in it.

“I’ve been in charge of my own career and managing it myself for a while now and im very happy in the direction that im going (smiling face),” sey pa ni Pia.

Patuloy pa niya, “Lahat ng work na ginagawa ko yung gusto ko talaga at naeenjoy ko pa personal life ko (heart emoji) masaya lang (smiling face emoji). Kaya wag ka nang magalit.”

Kasunod nito, nakiusap ang dalaga na tigilan na rin ang paggawa ng isyu sa mga beauty queens at sa lahat ng kababaihan.

“Tsaka tama na tong comparing and pitting women against each other. 2021 na at may pandemic na tapos stuck parin tayo sa ganitong mindset? Tama na (peace emoji) di nakakaganda,” mensahe pa ni Pia Wurtzbach.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kauuwi lang ni Pia sa Manila nitong Sept. 10 mula sa Istanbul, Turkey kung saan sila nagkasama ng ilang buwan ng dyowa niyang si Jeremy Jauncey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending