Jiro Manio balik showbiz na nga ba? | Bandera

Jiro Manio balik showbiz na nga ba?

Therese Arceo |September 21,2021
facebook
share this

Jiro Manio balik showbiz na nga ba?

Therese Arceo - September 21, 2021 - 05:49 PM

MULING gumagawa ng ingay ang dating aktor na si Jiro Manio matapos mag-guest sa pilot episode ng YouTube vlog ng Star Image Digital Network.

Marami tuloy sa mga netizens ang curious kung muli na bang magbabalik sa pag-arte ang magaling na aktor.

Sa nasabing interview, naikuwento ni Jiro na matapos ang kaniyang pagkawala sa showbiz ay nag-take ito ng short course sa TESDA.

Naikuwento rin nito ang ilang mga bagay na ginawa niya nang pumasok siya sa rehabilitation center.

Nagkaroon daw sila ng advocacy program na aftercare program kung saan nakapasok ang dating aktor.

Nagkaroon ng campus caravan ang dating aktor kung saan nagpalaganap siya ng awareness ukol sa drugs at epekto nito sa tao.

Tinanong naman ng mga hosts na kung siya’y mabibigyan ng pagkakataon na muling magbalik showbiz ay handa na kaya siya?

Sagot naman ng award-winning child actor, “Hindi ko muna masasagot ‘yan kasi busy ako sa simpleng buhay ngayon… Marami ako natutulungan sa simpleng paraan. Saka plano ko pa rin makapag-aral.”

Mukhang masaya na si Jiro sa kaniyang simpleng buhay na malayo sa limelight na kinagisnan noong nasa showbiz pa.

Dagdag pa nito, kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay mas nais niya ang gumawa ng mga commercials at mag-endorse ng mga pagkain at clothing line.

Mukha ring balak ng dating aktor na pasukin ang pagiging vlogger nang kamakailan ay mag-live siya sa Facebook at hiniling na sana ay i-follow ang kaniyang YouTube channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Jiro Manio ay isa sa mga award-winning child actor na bumida sa maraming pelikula gaya ng “Pamana”, “Anak”, “Ang Tanging Ina” at marami pang iba.

Nanalo rin ito bilang Best Actor sa Gawad Urian Awards at Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards sa pelikulang “Magnifico”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending