Wish ni Lolit kay Mark: Sana'y magseryoso na sa buhay ngayong kasal na | Bandera

Wish ni Lolit kay Mark: Sana’y magseryoso na sa buhay ngayong kasal na

Therese Arceo - September 21, 2021 - 05:40 PM

IBINAHAGI ng Kapuso actor na si Mark Herras at ng asawa nitong si Nicole Kim Donesa ang kanilang civil wedding noong Setyembre 8, 2021 kung saan ang nag-officiate ng kasal ay si Mayor Joy Belmonte.

Ngunit tila may sey pa rin ang dating talent manager nitong si Lolit Solis sa buhay ni Mark. Sa kaniyang Instagram nga ay ibinahagi nito ma masaya siyang makita sa news na ikinasal na ang sating alaga.

“Masaya ako dahil may mag aalaga na sa kanya at tatahak na siya sa bagong chapter ng buhay niya. Parang isang orphan si Mark nang mamatay ang Daddy Jun niya at Tito Hermie, plus namatay pa ang kanyang mother.

“Now at least meron ng pamilya na titingin at mag aalaga sa kanya. Sana nga ito ang maging start ng bagong path na tatahakin ni Mark para sa kanyang future,” pagbabahagi ng talent manager.

Hiling nito ay sana maging daan ang naturang pagpapakasal ng aktor para maging seryoso ito sa trabaho lalo na nga’t may anak na ito.

“Si Mark Herras kasi ang parang tipo ng bata who is growing older but refusing to grow up kaya hindi seryoso sa buhay.

“Now is the time para harapin na niya ng seryoso ang lahat. Married na siya, may anak na, not getting younger kaya trabaho na. Best wishes Mark, I wish the best for you,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Matatandaan na kamakailan lang ay nasangkot ang dalawa sa isyu kung saan nangutang raw ang aktor kay Manay Lolit na siyang ikinasama ng loob nito.

Aniya, sa tagal raw ng kaniyang pag-aartista ay wala raw ba itong naipon at kinailangan nitong manghiram ng pera.

Naging mainit ang isyu at nauwi pa nga sa paghihiwalay nila nang landas nang ianunsyo ni Manay Lolit na hindi na under sa kaniyang pangangalaga ang aktor at mapupunta na ito sa GMA Artists Agency.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending