Neri nagpabakuna kontra-COVID kahit buntis: Hindi masakit yung gamot, mas masakit pa yung swab
Neri Naig at Chito Miranda
NAKUMPLETO na ng negosyanteng aktres na si Neri Naig ang kanyang COVID-19 vaccine sa gitna ng kanyang pagdadalang-tao sa second baby nila ni Chito Miranda.
Ibinahagi ni Neri sa publiko sa pamamagitan ng Instagram ang litrato niya na kuha habang nagpapababakuna sa isang vaccination site.
Aniya sa caption, “Second dose, done! Yehaaaay! 2days ago, nakumpleto na bakuna ko. Marami kasing nagme message sa akin kung magpapabakuna ba raw ako dahil buntis ako. Ayan na po, tapos na ako.”
Sabi ng misis ni Chito, mismong ang OB-GYN niya ang nag-advice sa kanya na magpabakuna na kontra-COVID-19.
“Bakit ako nagpabakuna? Covid is real. Mas nararamdaman namin na totoo siya dahil every time na magbubukas kami ng Facebook, ang dami na naming kakilalang namamatay dahil sa Covid.
“Marami ang biglaan. Marami rin ang mga buntis. We asked my OB Gyne kung safe ba magpabakuna.
“Mas gusto nyang may bakuna ako para hindi lang ako ang protected pati na rin si Cash (ang ipinagbubuntis niyang baby).
“Binigyan ako ng doktora ko ng medical certificate/clearance na pwede ako magpabakuna,” pahayag pa ng aktres.
Kuwento pa niya, “Sinovac ang meron sa Alfonso. Kaya siyempre kung ano na ang available, yun na ang kunin ko.
“Better kaysa sa wala. Hindi naman ako nilagnat nung 1st dose ko. Inantok lang ako, bagsak ako agad, hehe! Pero naligo muna ako bago matulog. 2nd dose, hindi pa rin ako nilagnat o nanghina.
“Medyo mabigat lang sa arm ko, parang nabangga sa door, ganun lang. Tapos may pasa ako. Pero pasain naman kase ako.
“So far, ok naman ako. Ayun din, sobrang inantok lang din ako after. Ayun ang side effect sa akin,” lahad ng celebrity mom.
Paalala pa niya sa lahat ng mga buntis, “Sa lahat ng pregnant, wag po kayong matakot magpabakuna. Tanungin nyo ang OB Gyne nyo kung kailan kayo pwede magpabakuna. Ang alam ko may certain months bago magpabakuna. Kaya sa doctor natin tayo makinig. Mas alam nila yan.
“Hindi masakit yung gamot. Mas masakit pa yung swab! Manipis lang yung needle, kaya kayang kaya nyo yan! Para sa pamilya natin! Let us all be responsible,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.