ANDI ayaw nang lumandi sa ibang lalaki, natatakot iwan ni JAKE EJERCITO
Pinaramdam agad ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann sa mga listener ng MOR 101.9 For Lif ang tindi ng kamandag ng role niya sa upcoming teleseryeng Galema: Anak ni Zuma na ipalalabas na sa ABS-CBN ngayong Setyembre.
Sa kanyang espesyal na pagbisita sa afternoon radio show na “Happy Happy Hapon” ni DJ China Paps, ibinahagi ni Andi sa publiko na buong-buo ang loob niya nang tanggapin ang role ni Galema.
Si Galema ay isang mabait na dalaga na tulad ng kanyang ama na si Zuma ay ipinanganak na may kambal na ahas sa kanyang balikat.
“Madalas akong tanungin kung natatakot ako na may involved na ahas sa show. Sa totoo lang, wala na akong mga arteng ganoon. Hindi ko na iniisip kung takot ako o hindi, dahil trabaho ito at blessing para sa akin.
Nagpapasalamat po talaga ako na nakuha ko ang opportunity na ito,” pahayag ni Andi. Positibo si Andi na mahu-hook ang TV viewers sa kakaibang ganda ng istorya ng TV remake ng Galema: Anak ni Zuma kung saan makakasama rin niya si Matteo Guidicelli at iba pang bigating artista sa direksiyon ni Wenn Deramas.
“Kung dati po ay minahal ako ng viewers sa Agua Bendita dahil sa dual characters ko, si Agua na mabuti at inosente, at si Bendita na medyo maldita, dito po sa Galema, bagong Andi ang mapapanood nila dahil kakaiba, mas matapang, at mas mature na ang role ko,” aniya.
“Dahil ginawang modernized, hindi maiinip ang viewers sa bilis ng takbo ng kwento. Pero ginawa mangmakabago, siguradong may matututunan pa ring aral sa aming serye,” hirit pa ng aktres.
Samantala, ayaw nang ma-involve ni Andi sa ibang lalaki dahil feeling niya, makakasira lang ito sa special friendship nila ni Jake Ejercito.
Very open kasi ang aktres sa pagsasabing gustung-gusto pa rin niya ang binatang anak ni Mayor Joseph Estrada. Feeling namin ay nagkabalikan na ang dalawa, at hindi lang nila ito inaamin para hindi na maintriga pa.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.