Ethel Booba, Madam Inutz nagkagulatan nang muling magkita: Grabe yung tensiyon! Bandera

Ethel Booba, Madam Inutz nagkagulatan nang muling magkita: Grabe yung tensiyon!

Reggee Bonoan |September 14,2021
share this

Ethel Booba, Madam Inutz nagkagulatan nang muling magkita: Grabe yung tensiyon!

Reggee Bonoan September 14, 2021 - 11:15 AM

Madam Inutz at Ethel Booba

KAABANG-ABANG ang programang “Sing Galing: Sing-lebrity Edition” sa TV5 dahil makakaharap ni Jukeboss Ethel Booba si Madam Inutz, ang sumikat na online seller sa social media dahil sa pagiging prangka nitong magsalita.

Isa si Madam Inutz sa mga celebrity contestant sa nasabing programa kasama sina Pooh, Paolo Pangilinan, Jayson Gainza, Baby Boobsie, Ate Gay at si Grand Philippines 2020 Samantha Bernardo.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Ethel Booba at Madam Inutz dahil nasabihang ginagamit ng una ang huli dahil sa kasikatan nito.

Anyway, sa zoom mediacon ng show ay natanong si Ethel Booba bilang isa sa jukeboss o hurado kung okay lang na magharap sila ni Madam Inutz.

“Hindi ko puwedeng sabihin sa inyo ang detalye. Kailangan abangan ninyo kung ano talaga ‘yung nangyari (nang magharap) kasi baka lumala lalo ‘yung misunderstanding namin.

“Merong hindi nagkaintindihan sa shoot, siguro parang umano (muwestra) ‘yung mga pride namin that time.

“Ewan ko lang kung ipapalabas ng Sing-Galing medyo nagkaroon talaga ng malaking tensyon kasi nga nagulat din ako na contestant siya at nagulat siya na judge ako.  Abangan n’yo may mga tensyon na naganap. Actually, intense ‘yung naganap,” kuwento ni Ethel.

For the record si Ethel Booba ang orihinal na “Sing Galing” BidaOke Champion taong 2002 at pagkalipas ng 19 years ay heto’t nagbabalik siya sa nasabing programa.

Matagal na palang magkaibigan sina Ethel Booba at Madam Inutz at wala pang pinipirmahang management contract noon ang kilalang online seller ay close na sila at nabanggit pa ng una na masarap ang paninda nitong siomai.

Okay na ba ulit ang dalawa? “Shocked ako. Hindi ko puwedeng sabihin, eh. Saka hindi ako puwedeng magbigay ng comment ayaw kasi ng manager ko (sabay tawa),” say ni Ethel.

Dati ay ang singer ang dyina-judge bilang celebrity contestant sa isang show pero ngayon naman ay siya na ang judge. Mahirap daw pa ang maging hurado lalo’t halos lahat kasali ay kakilala niya at mga kaibigan pa.

“Ang hirap pala ‘no? Ang hirap mag-judge!  Kasi mamaya masira pa ‘yung friendship pag natalo.  E, kailangan talaga magaling ka, tulad nga ng sinabi ng manager ko kapag (contest) walang kaibigan-kaibigan.

“Dapat ‘yung mga sasali na kakilala at kaibigan ko, ‘wag kayong magagalit sa akin kasi  under management ako (tawa nang tawa).  Walang pressure basta walang personalan, trabaho lang,” kuwento ng komedyana.

Sa mga pahayag ni Ethel Booba ay halatang may ibig siyang tukuyin pero hindi na siya nag-elaborate tungkol dito.

Sa pagkakaalam naman namin kaya nagkaroon sina Ethel Booba ng hindi pagkakaunawaan ni Madam Inutz ay inakala kasi ng manager ng huli na gagamitin siya sa vlog o collaboration na nangyari na noong wala pang pinirmahang management contract ang kilalang online seller.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending