Neri niregaluhan ang sarili ng bonggang glass house: Ilang birthdays at Pasko rin akong hindi gumastos Bandera

Neri niregaluhan ang sarili ng bonggang glass house: Ilang birthdays at Pasko rin akong hindi gumastos

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Neri niregaluhan ang sarili ng bonggang glass house: Ilang birthdays at Pasko rin akong hindi gumastos

Ervin Santiago September 14, 2021 - 08:58 AM

Neri Naig at Chito Miranda

ISANG bonggang glass house ang regalo ng actress-entrepreneur na si Neri Naig para sa kanyang sarili.

Ibinandera ng misis ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang tungkol sa ipinagagawa niyang studio glass house  sa kanyang Instagram account.

Ayon sa hindi na aktibong aktres, ito ang naisip niyang regalo sa sarili para sa maraming taon nang hindi pagbili ng mga mahahaling gamit nitong mga nakalipas na taon. 

Pahayag ng tinaguriang wais na misis, “Gift ko na sa sarili ko, ilang birthdays at Pasko rin na di ko binilihan ang sarili ko ng kung ano ano. Para rin naman sa pamilya at trabaho ko ‘to, kaya pussssh ko na ‘to this year!” 

Nabanggit din niya na kasalukuyan siyang nagpapalakas ngayon bilang paghahanda sa mga natanguan niyang mga trabaho. 

“May mga nakapending na trabaho na kailangan ko nang i-shoot after kong manganak. Di na kaya kase this month. Palakas lang ako, then trabaho agad, hihi!” aniya.

Pagpapatuloy pa ni Neri, “Finally! Matutuloy na ang dream project ko sa bahay. Dahil need ko talaga ng mini studio para sa mga shoot ko/namin para sa mga brands na nagtitiwala sa pamilya Miranda at hindi na sa mismong loob ng bahay o lilipat pa kami sa @mirandasresthouse para sa mga shoots.” 

“Naudlot kase pandemic at kailangan pag ipunan pa yung pagpapagawa, hehe! Kulang budget eh. One at a time lang mga projects para di magpatong patong ang bayarin at matapos agad,” lahad pa ng misis ni Chito.

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Neri ang mga plano niya kapag natapos na ang construction ng ipapagawa niyang glass house. 

“Siyempre habang bawal pa mag invite ng mga bisita, kami kami muna magluto lutuan sa Glass House. Magpadagdag ako ng oven. Masarap mag breakfast, brunch, lunch, merienda, at dinner dito. Para kang kumain sa labas, hehe! Kase sa garden itatayo ang Glass House.

“Padagdag lang din ako ng mudroom dahil why not? Haha! Peg ko si Martha Stewart eh, panindigan na. Aayusin din yung garden, minimalist lang para low maintenance at may place ang mga dogs,” chika pa ni Neri. 

Sa huli, pinasalamatan din niya ang mga taong bubuo sa kanyang dream glass house, “Thank you @grupo.santamaria sa pagbuhay ng mga dream projects ko, hihi! Napapadali nyo yung trabaho ko talaga. Excited na akong makita ang outcome at makapag shoot na very very soon!”

Hirit pa Neri, “Next project ko naman laundry area na andun na lahat. Gusto ko very organized at complete na. 

“Maayos na sampayan, drawers, malaking sink for handwash, plantsahan, organizers, etc. ‘Yung pwede kang tumambay sa laundry area. Malinis, maaliwalas, at mabango. Pag ipunan muna, hehe!” sey pa ng celebrity mom.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending