LA SALLE NAKAPASOK SA SEMIFINALS | Bandera

LA SALLE NAKAPASOK SA SEMIFINALS

Mike Lee - September 09, 2013 - 03:01 AM

Mga Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. UP vs FEU
4 p.m. NU vs Ateneo
Team Standings: *NU (9-4); *La Salle (9-4); *FEU (9-4); UST (7-5); Ateneo (7-5); UE (5-7); Adamson (4-9); UP (0-12)
* – pasok sa Final Four

IPINASOK na ng De La Salle University ang sarili sa semifinals ng 76th UAAP men’s basketball nang makumpleto ang pagbangon mula sa siyam na puntos tungo sa 57-55 tagumpay sa kinapos na National University kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Jeric Teng ay gumawa ng 21 puntos at walo rito ay kanyang kinamada sa 14-3 endgame run ng Green Archers tungo sa ikaanim na sunod na panalo.

Higit sa winning streak, nakamit ng La Salle ang ikasiyam na panalo sa 13 laro upang magkaroon ng three-way tie sa pagitan ng koponan, ang Bulldogs at ang pahingang Far Eastern University na magpapahigpit sa tagisan para sa dalawang twice-to-beat incentive.

May pitong rebounds pa, ang offensive board sa kanyang sariling mintis at puntos ni Teng ang nagbigay sa tropa ni La Salle coach Juno Sauler ng 56-55 bentahe.

Tumama sa gilid ng board ang buslo ni Dennis Villamor at si LA Revilla ay nagtala ng split sa 15-foot line para itaas sa dalawa ang kanilang kalamangan sa huling 13 segundo.

Wala naman sa porma ang pinakawalang 20-footer ni Bobby Ray Parks Jr. upang makumpleto ng Archers ang pagbalik mula sa 43-52 iskor sa huling 5:01 ng labanan.

Si Jason Perkins ay mayroong 18 puntos at 10 rebounds at ang La Salle ay makikipagsukatan sa University of Santo Tomas sa Setyembre 14 para palakasin ang paghahabol sa unang dalawang puwesto matapos ang double-round elimination.

Nasayang ang 19 puntos, limang rebounds at tatlong blocks ni Parks dahil natapos ang anim na diretsong pagpapanalo ng Bulldogs sa pangyayari.

Nakatabla naman ng Ateneo de Manila University ang UST sa mahalagang ikaapat na puwesto nang patalsikin na ang University of the East sa 77-72 panalo.

Inunti-unti ng Blue Eagles ang pagbangon mula sa double-digit na kalamangan ng Red Warriors sa first half at nakatrangko ang laro sa tikas nina Kiefer Ravena at Chris Newsome para umangat sa 7-5 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tumapos si Ravena taglay ang 22 puntos habang 19 ang ibinigay ni Newsome para sa Ateneo na ang nag-coach ay ang matagal ng assistant na si Sandy Arespacochaga dahil suspindido sa laro ang mentor na si Bo Perasol.

Hindi naman napanatili ni Roi Sumang ang malakas na paglalaro sa unang tatlong yugto para bumagsak ang Red Warriors sa ikapitong pagkatalo laban sa limang panalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending