San Beda tatangkaing makisalo sa liderato | Bandera

San Beda tatangkaing makisalo sa liderato

Mike Lee - September 09, 2013 - 03:08 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. JRU vs San Beda
6 p.m. Arellano vsSan Sebastian
Team Standings: Letran (9-2); San Beda (8-2); Perpetual (8-3); Jose Rizal (5-5); San Sebastian (5-5); St. Benilde (5-6); Emilio Aguinaldo (5-6); Lyceum (4-7); Arellano (3-7); Mapua (1-10)

MAGTATANGKA ang San Beda College na bumalik sa pagsosyo sa unang puwesto sa pagharap sa Jose Rizal University sa 89th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda ganap na alas-4 ng hapon at ang Heavy Bombers ay magbabakasakaling wakasan ang dalawang sunod na pagkatalo upang magpatuloy ang kapit sa ikaapat na puwesto.

Ang San Sebastian College na kasalo ng JRU sa ikaapat na puwesto sa 5-5 baraha ay aasintahin ang ikaanim na panalo laban sa Arellano University dakong alas-6 ng gabi.

Ang Letran ay nagsosolo sa itaas sa 9-2 kartada habang isang larong kapos ang San Beda na nagsosolo sa ikalawang puwesto matapos masilat ang University of Perpetual Help ng Emilio Aguinaldo College, 70-68, noong Sabado ng gabi.

Ang EAC at host College of St. Benilde ay may parehong 5-6 baraha at kalahating laro lamang ang layo nila sa JRU at San Sebastian.

Galing ang three-time defending champion San Beda sa 81-63 pangingibabaw sa Letran at tiyak na kakamada sina Ola Adeogun, Baser Amer at Arthur dela Cruz para maulit ang 65-41 panalo sa tropa ni JRU coach Vergel Meneses sa unang pagkikita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending