Angel: Kung ako ang presidente ng Pilipinas, yes I will fire Secretary Duque
Francisco Duque at Angel Locsin
DIRETSAHANG sinabi ng Kapamilya actress at TV host na si Angel Locsin na ito na ang tamang panahon para mag-resign si Health Secretary Francisco Duque.
Ayon kay Angel, dapat nang magbitiw ang kalihim sa kanyang pwesto hindi dahil sa naniniwala siyang guilty ito sa mga ibinabato sa kanyang akusasyon ng corruption kundi ito ang kailangan niyang gawin para na rin sa sambayanang Filipino.
“I think it’s really timely. Kailangan ng peace of mind ng mga tao. I’m going to answer that not because inaakusahan ko ‘yung tao. Walang ganu’n.
“Magiging objective lang tayo. Kasi ako rin naman naakusahan publicly na without going through due process. So, hindi magandang pakiramdam ‘yun,” simulang pahayag ng misis ni Neil Arce sa panayam ni Boy Abunda.
Tinanong kasi si Angel kung tatanggalin ba niya sa pwesto ang secretary ng DOH sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya kung siya si Pangulong Rodrigo Duterte.
Katwiran pa ng aktres, “Kung magiging objective lang tayo rito, walang kung ano man ‘yung nararamdaman ko, nararamdaman niyo, tanggalin niyo.
“Kung ano lang ‘yung kailangan natin I would say kung ako ‘yung presidente ng Pilipinas, yes I will fire Secretary Duque,” diin pa niya.
Paglilinaw pa ni Angel, “Not because naniniwala ako he is corrupt. Wala po sa ganon, but because ‘yung pag-e-explain lang sa mga tao na dito napunta ‘yung tax natin na binabayaran.
“I think kakain na ‘yun ng oras. Isa sa mga magandang ibigay sana ng gobyerno natin ngayon eh ‘yung peace of mind ng mga tao. At hope na bukas paggising natin may magandang mangyayari.
“So, para gawin ‘yun, kakain ng napakaraming oras para ma-explain ‘yung sarili niya. Sino ngayon ang tututok sa pandemic response na kailangan din nating tutukan. Because ito rin ‘yung number one kalaban natin, di ba?” pahayag pa ng tinaguriang real life Darna ng Pilipinas.
Nais din niyang bigyan ng chance si Duque na linisin ang kanyang pangalan sa lahat ng akusasyon laban sa kanya.
“So kawawa naman siya masyado kung sabay niyang tutukan. So ‘yun ang nasa isip ko lang. That’s my opinion. Para ma-pacify ang mga tao, bigyan ng time ‘to para masagot. Bigyan ‘to ng proper evidence, facts, clear niya ‘yung pangalan niya.
“Ito naman may magpapatakbo to pacify the health workers na pagod na pagod din ngayon,” paliwanag pa ng Kapamilya star.
Nauna rito, nagbigay ng mensahe si Angel para sa lahat ng bayaning medical frontliners sa gitna ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Aniya, nakikisimpatya siya sa mga healthcare workers na matagal nang nangungulila sa kanilang mga pamilya.
“To those who can’t go & console family & friends fighting their battles alone. I feel you. I wish for you to overcome whatever it is you are going through.
“This crisis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me.
“But the world can never work without health workers. Again, thank you for all that you do. Sending everyone strength, hope, and love,” ang nakasaad sa kanyang Instagram post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.