Yen Santos naanakan nga ba ng isang politiko? | Bandera

Yen Santos naanakan nga ba ng isang politiko?

Reggee Bonoan |September 11,2021
facebook
share this

Yen Santos naanakan nga ba ng isang politiko?

Reggee Bonoan - September 11, 2021 - 05:46 PM

May anak nga ba si Yen Santos sa isang politiko? Ito ang matagal nang chika sa showbiz na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan.

Sa Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube na in-upload nitong Biyernes ng gabi kasama niya si Tita Jegs ay napag-usapan nila ito.

“Actually, nakarating sa akin ‘yan na si Yen Santos na may anak na at itinago lang daw. The truth is wala pong anak si Yen,” pagkumpirma ni Ogie.

Dagdag pa, “’yan ang alam ko ha, walang anak si Yen at ‘yung itinuturo nilang anak ni Yen ay kapatid ni Yen na inanak sa binyag ng isang politician. Kaya doon (nagsimula) ang usap-usapan na anak iyon ni Yen.

“Kasi si Yen kung nagbuntis malamang Jegs may picture na kumalat, ang dami pa namang Marites at Mosang (bagong tawag sa tsismosa) di ba?

“Wala naman tayong nakitang lumalakad si Yen buntis?

“Meron ka na bang nabalitaang ganu’n (tanong kay tita Jegs) na buntis pero wala namang picture?

Kaagad namang sinagot si Ogie ni Tita Jegs ng, “Meron, meron” at sabay bulong sa una na ikinatawa nito.

“Naku, hintayin na lang natin sa kanila manggaling huwag sa atin,” sambit ni Ogie.

Hindi naman binanggit na ni Ogie kung ano at sino ang ibinulong ni Tita Jegs dahil iniba na niya ang topic.

Hmmm, may pabitin pa ang kilalang talent manager bagay na ayaw ng netizens na nanonood sa YT channel niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending