Bagets sikat na magulang lang ang puhunan sa pagtakbo sa Kongreso | Bandera

Bagets sikat na magulang lang ang puhunan sa pagtakbo sa Kongreso

Den Macaranas |September 07,2021
facebook
share this

Bagets sikat na magulang lang ang puhunan sa pagtakbo sa Kongreso

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
September 07, 2021 - 11:06 AM

Parami nang parami ang mga millennial na gustong maglingkod sa bayan sa darating na 2022 elections.

Hati ang opinyon ko sa puntong ito dahil habang may mga idealistic na maituturing ay hindi maiiwasan ang katotohanan na meron rin sa kanila ay pawang mga “Bimpo” lamang.

Ang “Bimpo” ay pinabatang bersyon ng “Trapo” o traditional politician na ginawa nang negosyo ang pamumulitika.

Ang “Bimpo” ay nangangahulugang “batang itinulak ng magulang sa politika” ay madali na na niyong mauunawaan kung dito nga ba galing ang mga kabataang kakandidato sa inyong mga lugar.

Malaki ang bentahe dito ng mga may magulang na sikat o kaya naman ay nakapwesto na sa pamahalaan sa kasalukuyan.

Nagulat ako sa aking nakita sa isang FB post na balak palang tumakbo bilang kongresista ang batam-batang anak ng isang super sikat na personalidad.

Naisip ko tuloy na kaya pala lumipat sa kabilang distrito ang pamilya ng super sikat na TV personality ay dahil tatakbo ang kanyang anak.

Dati kasi ang balita ay ang sikat na personalidad na ito ang tatakbo sa halalan pero last minute ay nagdadalawang isip na ito lalo’t wala ang pangalan niya sa mga listahang inilabas ng administrasyon.

Anyway, kung track record ang pagbabatayan ay natural na bokya ang batang kandidato dahil ito nga naman ang magiging unang sabak niya sa pulitika.

Para sa akin ay masyadong mataas ang inasintang posisyon ng bagitong ito dahil kung gusto talaga niyang manungkulan sa gobyerno ay mas magandang simulan muna niya sa mas mababang posisyon tulad ng pagiging konsehan ng lungsod o kaya naman ay barangay level muna.

Pero dahil sikat ang mga magulang at alam niya seguro na sayang naman ang pagkakagaon kaya legislative job agad ang kanyang tinarget para sa 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayaw kong pangunahan pero ang mga constituent na nila ang magdesisyon kung ipauubaya ba nila sa anak ng isang sikat ang pamamahala sa legislative needs ng kanilang distrito.

No more clue dahil kilala niyo naman ang tinutukoy ko lalo doon sa mga nakababad sa FB at Youtube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending