Francine may 2 ikina-iinsecure sa katawan; Gold Squad mas naging solid pa ang samahan
Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin at Andrea Brillantes
PINATUNAYAN ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz na mas naging solid pa ngayon ang samahan at relasyon ng Gold Squad.
Matapos ngang sumabak sa sunud-sunod na lock-in taping para sa kanilang mga proyekto, kabilang na ang seryeng “Huwag Kang Mangamba”, mas nakilala pa nina Francine, Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri ang isa’t isa.
Kahit daw sa likod ng mga camera ay napapanatili nila ang kanilang friendship, “Mas naging strong yung connection naming apat kasi halos araw-araw kaming magkakaeksena.
“Nakikita namin yung isa’t isa ng araw araw so parang mas naging strong yung connection namin, mas naging deep yung friendship namin sa isa’t isa.
“Kapag lock-in mas malapit na kami sa mga location namin kung saan yung set. Hindi katulad dati na from house dun sa location, yung biyahe and yung traffic nabawasan na siya ngayon.
“Yun nga lang, mahirap sa amin kasi may aso ako, na-mi-miss ko yung aso ko. After lock-in naka-quarantine medyo nakakalungkot kasi nasa isang ganun lang ako.
“Na-miss ko yung aso namin, yung kapatid ko so it’s good na nakalabas na ako. Tapos na ako mag-quarantine,” tuluy-tuloy na pahayag ni Francine sa isang panayam.
Samantala, sa chikahan naman nila ni Vicki Belo kamakailan, walang keber na inisa-isa ng dalaga ang mga insecurities niya sa katawan.
“Ever since nu’ng nagdadalaga ako nahilig ako sa pagkain. Natuwa ako sa pagkain ng marami so yun yung nag-cause para maging siopao face.
“Kasi du’n ako nag-start mag-explore sa mga pagkain tapos pag nasarapan ako sa food gusto ko siyang pinapaluto kay Mama. Tapos inuulit-ulit ko lang siyang kainin ang daming pagkain so kinakain ko lang lahat.
“May times na mataba ako pero hindi naman super taba talaga. Hindi siya madalas napupunta sa tiyan. Ito yung number one na pinakanai-insecure ako sa sarili ko and pangalawa ay yung pagkabalbon ko,” pahayag ng dalaga.
Ngunit hindi naman naging hadlang ang kanyang mga insecurities para ipagpatuloy ang pagtupad sa mga pangarap niya sa buhay. Dalawang taon pa lang siya sa showbiz pero napakarami na niyang achievements.
“Nagsimula yun sa Kadenang Ginto, yun yung pinakanaaalala ko sa lahat. And sobrang thankful ako na sinama nila ako sa Kadenang Ginto kasi yun yung naging door sa madaming blessing at opportunities,” aniya.
Inamin din niya na nag-eenjoy siya sa mga offbeat roles tulad ng karakter niya sa “Huwag Kang Mangamba”, “Kasi nasanay ako sa Kadenang Ginto na ang bait-bait ng character ko, pati sa pagsagot niya, sa pag-de-defend niya sa sarili niya, kung magagalit man siya yung bait nakikita pa rin sa kanya.
“And du’n ako nahirapan sa character ko dito kay Joy sa Huwag Kang Mangamba kasi may pagka-rebellious siya and nasasagot niya yung stepmom niya and ayaw niya sa tao at hindi siya sanay sa pagmamahal ng magulang.
“Actually yung pinaka-challenge kay Joy ay galit siya kay Lord eh ako hindi ako galit kay Bro in real life kasi sobrang grateful and thankful ako sa lahat ng blessings na binibigay Niya sa akin. Para sa akin yun yung pinakamalaking challenge sa akin,” pahayag pa ni Francine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.