VIP (very important prisoner) planong tumakbo sa Senado | Bandera

VIP (very important prisoner) planong tumakbo sa Senado

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
September 01, 2021 - 08:10 PM

Kahit nasa loob ng kulungan ay desidido ang isang sikat na rin naman na vlogger na tumakbo sa isang national position sa susunod na taon.

Handa ang “very important prisoner” o VIP na ito na maglabas ng malaking halaga ng pera para matuloy ang kanyang matagal nang pangarap na maging senador.

Dati ay nagtangka siyang magproduce ng isang pelikula para itampok daw ang kanyang makukay na biopic pero ito ay naunsyami dahil sa kakapusan ng pondo.

Kamakailan ay muling naging active ang social media accounts ng bilanggo na ito kaya marami ang nalinlang sa pag-aakalang laya na ang VIP na ito.

Ayon sa aking cricket, sinibak ni VIP ang kanyang mga abogado dahil ibinasura ng mababang hukuman ang kanilang mosyon na siya ay makalabas sa kulungan.

Sa totoo lang ay suntok sa buwan ang kanyang pangarap dahil non-bailable ang ilan sa kanyang mga kaso.

Kabilang dito ay ang human trafficking case at paglabag sa passport law.

Nauna na ring isinangkot sa prostitusyon ang pangalan ng personalidad na ito na sumikat sa pamimigay umano ng kanyang yaman.

Pero ayon sa aking cricket ay taktika lang ito para itago ang kanyang tunay na pagkatao kaya gumagamit siya ng mga pekeng pasaporte at nagpapakilalang kaanak ng isang dating mataas na lider ng bansa.

Sa ngayon ayon sa aking cricket ay target ng VIP na ito na gapangin ang ilang mahistrado ng court of appeals gamit daw ang kanyang impluwensya.

Hindi na natin kailangan ang clue dahil ito lang naman ang medyo kilalang bilanggo na nagsasabing sobra ang kanyang yaman at kaanak daw nya ang dating strongman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending