Raffy Tulfo ipakukulong si Raf Davis: Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa kababaihan Bandera

Raffy Tulfo ipakukulong si Raf Davis: Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa kababaihan

Therese Arceo |August 31,2021
share this

Raffy Tulfo ipakukulong si Raf Davis: Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa kababaihan

Therese Arceo August 31, 2021 - 06:17 PM

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pang-aabuso ni Raf Davis sa kaniyang dating girlfriend na si Nina Querol.

Agad na nag-viral ang post ng dalga matapos itong magdesisyon na isiwalat kung ano ang tunay na ugali ng dating kasintahan.

“I’ve been silent for way too long, kasi just like any other victim of abuse, natatakot ako at nahihiya. But since nalaman ko na HINDI LANG AKO ANG NAGING BIKTIMA NYA. I HAVE TO STAND UP AND BE STRONG FOR ALL THE WOMEN HE ABUSED. THIS HAS TO STOP WITH ME,” umpisa ng dalaga sa kaniyang Facebook post.

Kasama ng kaniyang post ay mga larawan ng dalaga kung saan kitang-kita ang mga pasa na siyang ebidensya niya sa pamimisikal sa kaniya ni Raf.

Lumalabas rin na hindi lang si Nina ang sinasaktan nito kundi pati ang mga kapatid niya. Pinagbuhatan rin ng binata ng kamay ang bunsong kapatid ni Nina at binantaan ang mga babaeng kapatid nito na ipapagahasa ito kapag lumabas ito sa condominium na tinitirhan nito.

Bukod pa rito, may mga screenshot rin ng kanilang pag-uusap sa chat at text kung saan mababasa kung gaano ito kabayolente at kabastos.

Kasabay ng pag-viral ng kaniyang post ay pagsulpot rin ng iba pang kababaihan na naabuso at namolestiya ni Raf.

Maraming netizens ang nakisimpatya at umabot na kay Raffy Tulfo ang panawagan ng dalaga.

Isang staff ang nag-reach out sa ama ng dalaga at tuluyan na ngang ipina-Tulfo ng kampo ni Nina ang dating boyfriend.

“Ang panawagan ko sa ‘yo Mr. Davis, humanda ka, kami po ang magpapakulong sa ‘yo. Now, kung may problema ka sa amin, habulin mo kami.

“Puntahan mo ako rito, no problem. Makita mo ko sa kalye, it’s up to you pero ito ang sinisiguro ko sa ‘yo Mr. Davis, makukulong ka. Ipakukulong ka namin. Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa kababaihan,” saad ni Raffy Tulfo.

Naglabas naman ng statement si Raf Davis sa kaniyang YouTube channel ukol sa isyung kinakaharap.

“Sa lahat ng nagalala sa akin at kay Nina, we have decided to go our separate ways. My relationship with Nina, like all relationships had moments na masasaya at malulungkot. We are two young adults in love and battling our inner demons.

“Medyo it got to a toxic place sa aming dalawa, we were both mentally unstable and these fights werenot helping out our cause.

“Alam kong madami kayong mga tanong. May mga screenshots, may videos, voice recordings, pictures and messages na umiikot ngayon sa social media.

“Out of respect for the privacy of our past relationship and most importantly my love for Nina as a person, I am taking accountability and responsibility sa lahat ng mga napost wxcept for the rape and death threat allegations.

“There is an alledged screenshot of a conversation threathening Nina, sister ni Nina, to get raped. Alam ni Nina na it didn’t come from me, it was a fake Twitter account impersonating me. This happened April 2020.

“I would never joke about rape, let alone say it to my girl’s sister. I will never threaten death towards them over messages.

“There’s a screenshot of Nina’s face that has surfaced that was taken sa bahay ko during a fight.

“One year and a half din kami ni Nina, meron mga away that got physical. Minsan I provoke her, minsan she provokes me. Minsan nagmumura siya, minsan ako. Ako na mismo ang magsasabi na mali for a man to hit a girl, di ko pinagmamalaki yun.

“I want to say sorry for the things I did sa family ni Nina at sa kanya. I’m sorry. At 26 years of age, this will be a lesson for me. Gagalingan ko pang i-communicate ang lahat para sa sarili kong anxieties and to be more careful with my words and actions. Meron akong mga di magagandang asal na kailangan kong baguhin.

“Sorry to everyone involved and my past exes. Sadly I had to let this relationship go for me and for my future. Thank you Nina, but on to the next na. I guess our little infinity ends here.”

Si Raf Davis ay isang Filipino rapper and songwriter. Sumikat rin ito bilang si Yoyo Tricker at binansagang “Youngest Hall of Famer” na lumaban sa TV5 show na “Talentadong Pinoy Battle of the Champions” noong 2010.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending