Janus binansagang 'dakilang sawsawero': Kasama ako sa issue, hindi 'to issue ng iba na nag-comment lang ako | Bandera

Janus binansagang ‘dakilang sawsawero’: Kasama ako sa issue, hindi ‘to issue ng iba na nag-comment lang ako

Therese Arceo |August 27,2021
facebook
share this

Janus binansagang ‘dakilang sawsawero’: Kasama ako sa issue, hindi ‘to issue ng iba na nag-comment lang ako

Therese Arceo - August 27, 2021 - 12:19 PM

KONTROBERSYAL ang aktor na si Janus del Prado matapos ang sunod-sunod na blind item na pinost nito sa kanyang Instagram.

Maraming mga fans ang naimbyerna sa mga maiinit na tsaang inilabas ng aktor na umabot na nga sa puntong nakakatanggap na ng death threats.

Wala mang pangalang binanggit ang aktor at pawang puro initials lang ang inilabas nito, maraming pa ring netizens ang nag-connect the dots at iniugnay ang mga pangalan nina Gerald Anderson, Julia Barretto, Bea Alonzo, at Pia Wurtzbach sa mga posts ng aktor.

“Siyempre, ingat na lang tayo. May mga taong kapag wala nang mai-rebut, demanda ang sagot lagi so ingat na tayo,” sagot ni Janus nang tanungin ni Ogie Diaz kung bakit puro letra ang sinasabi sa mga posts.

Pag-amin ng aktor, bago pa man ang mga nangyari, boto siya sa relasyon nina G at B.

“Maganda naman makitungo sa akin si ano, si G, kaso nga lang, there is something na parang disingenuous, na parang di totoo. Pero syempre, lagi akong ‘praning ka lang’. So sabi ko ‘hmm, sige. Kung masaya naman ang kaibigan ko, okay lang,” saad ni Janus.

Dagdag pa niya, may utang siyang sorry kay B dahil ipinagtanggol niya si G noong mga panahong nagdududa si B sa relasyon nila.

Siya nga mismo ay tinawag na praning ang kaibigan at sinigurong walang nangyayri dahil nandon sila at nagtatrabaho lang.

“Alaga kami [ni G]. Laging may pagkain. Aayain akong mag-swimming sa sapa, sa ilog, pagkatapos ng shooting.

“Pero laging may feeling ako na ‘Bakit? Ilang beses na tayong nagtatrabaho bakit ngayon parang ang close natin? Kino-close mo ko’. Pati nga ata damit ko sa premiere night, pinagawa pa niya. Pinatahi niya doon sa kaibigan niya.

“So ‘yung ano ko kay B na parang sorry ipinagtanggol namin siya nung time na ‘yun kasi wala talaga kaming alam. Wala kaming alam,” kuwento ng aktor.

Amin pa niya, namanipula sila kaya nang makumpirma ni B mula sa legit source na totoong may nangyayari sa set, silang mga nandoon ang nagmukhang masama dahil ipinagtanggol nila ito.

“Kaya nagtataka ako paano niyo sasabihing nakikisawsaw ako sa issue na ‘to ngayon, eh kasama ako? Kasama ako sa issue, hindi ‘to issue ng iba na nag-comment lang ako.

“Alam ko, sabi nila mababaw. Na wala naman daw sinabi si G na masama dun sa latest interview niya pero kung aamin ka ng kasalanan, ‘yung sa’yo lang ang aminin mo. ‘Wag kang magsalita para sa isang tao. Hindi mo right ‘yun, right niya ‘yun. ‘Yun ‘yung tipping point ko,” saad ng aktor.

Dagdag pa niya, ano pa bang point ni G sa mga sinabi niya sa interview? Masaya na kasi ang kaibigan nito kaya naiirita siya.

Tatlong taon rin niyang kinikimkim ang lahat ng ginawang pamamanipula ni G sa kanila na kamuntikan nang maging dahilan ng pag-aaway nilang magkakaibigan.

Ayon pa sa kanya, sa ngayon naman daw ay napatawad na ni B si G pero ayaw lang nitong kunsintihin ang maling ginawa ni G.

“Naniniwala kami sa ‘forgive but never forget’ otherwise uulit-ulit, walang matututunan both parties pag nag-forget ka, na clean slate. Oo tama ‘yung magpatawad pero ‘yung hihingin pa sa’yo na forget na, sobra na ‘yun. Labis labis na,” pagbabahagi ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa niya, hindi raw dapat manggaling kay G ang mga katagang ‘Let’s move on na’ dahil siya ang nakaagrabyado at dapat manggaling ito sa biktima nito.

Hirit pa nito, bilib siya kay B dahil sa kabila ng mga nangyari ay hindi siniraan ni B si G kahit na lubos itong nasaktan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending