'Scandal King' na aktor nambiktima ng bading kaya nakaipon nang bongga kahit ECQ | Bandera

‘Scandal King’ na aktor nambiktima ng bading kaya nakaipon nang bongga kahit ECQ

Ervin Santiago - August 25, 2021 - 02:12 PM

IN fairness, talagang nakaluwag-luwag daw ang isang young actor nitong kasagasagan ng huling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Lantarang sinabi ng ating source na kumita nang bongga ang aktor sa tulong na rin ng beki na kanyang ginagamit.

Yes, ang term ng source ay “user” ang lalaking ito! Kasi naman, kakakilala pa lang n’ya sa beki nitong ECQ ay nahuthutan n’ya agad ng datung. 

Talagang mahusay sa ganyang galawan ang aktor na tampok sa mga BL series na kinabaliwan ng LGBTQ community. Kunwari raw mahal na mahal ng binata ang gay na may kakayahang magbigay ng datung. 

Pero ang hindi alam ng beki ay niloloko lang s’ya ng guy. May nagkwento kasi sa aming source na ganu’n daw pala ang young aktor — isang dakilang pa-fall! 

Ang style niya, paiinlabin niya nang bonggang-bongga ang mga bading at gagamitin eventually para makabili ng mga trip niyang mamahaling gamit. 

At dahil nga sa pagiging ECQ lovers nila, give naman nang give sa kanya ang beki kung anuman ang hilingin niya. Nakaipon daw agad ang binata at pinagyayabang pa ito sa social media na akala mo ay talagang pinaghirapan n’ya. 

E, ang totoo naman ay galing ‘yun sa beki. Ibang klase rin mag-post sa social media ang binatang ito. Akala n’ya super sikat at mayaman s’ya. 

Nakakatawa lang ang tanong ng aming source, na dahil daw MECQ na ngayon, ay baka ibang beki na naman ang kanyang tinarget. May bago na nga kayang ginagamit ang BL aktor?

Magkano naman kaya ang maiipon n’ya ngayong MECQ? At ang huling pasabog ng aming kausap ay true raw kaya na may bagong scandal na naman ito with social media influencer? 

S’ya na tuloy ang binansagang Scandal King dahil sa dami ng mga iskandalong kinasangkutan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagtatapos ng ating source, bawasan daw ang kayabangan lalo na sa social media na pakita nang pakita ng kung anu-anong luho. Gusto n’yong makita? Check n’yo na lang ang kanyang social media accounts! 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending