AJ Raval, Sean de Guzman walang inuurungan; palaban sa todong hubaran | Bandera

AJ Raval, Sean de Guzman walang inuurungan; palaban sa todong hubaran

Ervin Santiago |August 25,2021
facebook
share this

AJ Raval, Sean de Guzman walang inuurungan; palaban sa todong hubaran

Ervin Santiago - August 25, 2021 - 02:04 PM

Sean de Guzman at AJ Raval

UNTI-UNTI na ring nakakagawa ng sarili nilang pangalan sa mundo ng showbiz ang mga baguhang Viva talents na sina AJ Raval at Sean De Guzman.

Pareho silang nagsimula bilang sexy stars kaya ang tingin sa kanila ng mga manonood ay palaban at matatapang pagdating sa hubaran at paggawa ng sex scenes.

Bilang Bagong Pantasya ng Bayan, patindi nang patindi ang pinaggagagawa ni AJ (anak ng action star na si Jeric Raval) sa kanyang mga pelikula kabilang na ang Vivamax hits na “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” at “Death of a Girlfriend”.

Ngayon muli niyang gugulatin ang publiko sa psychedelic-erotic-thriller movie na “Taya” mula pa rin sa Viva Films kung saan makakatambal nga niya si Sean de Guzman.

“Sunod-sunod yung ganitong genre sa akin but hindi po madaling mag-daring kasi syempre kailangan comfortable ka sa mga kasama mo, alam mo kung paano ka ba dapat i-treat. 

“When it comes to acting, I’m not saying na magaling ako, but alam ko po na may improvements ako ngayon. 

“Especially here kasi sobrang comfortable namin dito sa set at naging all out kami, wala nang hiyaan,” sabi ni AJ sa nakaraang virtual mediacon ng “Taya.” 

Aniya pa, “With this film, I came prepared kasi nag-workshop kami at the same time, magaan katrabaho yung mga cast and crew especially with direk (Roman Perez Jr.), hindi ka niya pipilitin sa bagay na ayaw mo basta lang okay yung acting mo.”

Pagkatapos naman niyang magbida sa “Anak ng Macho Dancer”, isa na namang mapangahas na karakter ang gagampanan niya sa “Taya.”

“Hindi niyo po makikilala dito si Sean. Kumbaga nandoon talaga ako sa character ko, sobrang dumi, sobrang baho, lahat ng pwede niyong makita sa isang character makikita niyo doon,” pahayag ng binata.

Wala ring naging problema sina Sean at AJ sa mga love scenes nila sa pelikula, sa katunayan mas naging close pa sila sa isa’t isa after ng kanilang shooting. Hindi rin nila isinasara ang posibilidad na mauwi sa seryosong relasyon ang kanilang friendship.

“Kami ni Sean, wala namang problema. Sobrang okay sa amin kung magkakaroon pa kami ng susunod na mga projects. Sobrang comfortable namin sa isa’t isa. Si Sean parang maituturing ko na isa sa mga solid friends ko,” ani AJ.

Sey naman ni Sean, “Naging matatag ang pagiging magkaibigan namin. Kahit ganoon mga nagiging eksena namin, yung mga tambalan namin, nandoon pa rin yung limitation namin sa isa’t isa. And sobrang saya ko dahil nakatrabaho ko siya at na-execute naman namin yung mga scenes ng maayos.”

Kasama rin sa cast ng “Taya” sina Jela Cuenca, Angeli Khang, Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa direksyon ni Roman Perez Jr., na siya ring nagdirek ng erotic-thriller film na “Adan” mula sa panulat ni 2018 Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala.
Mapapanood na ang “Taya” simula sa Aug. 27 via ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending