Cameraman ng 'Showtime' naging instant social media star dahil sa maintrigang lovelife | Bandera

Cameraman ng ‘Showtime’ naging instant social media star dahil sa maintrigang lovelife

Ervin Santiago |August 24,2021
facebook
share this

Cameraman ng ‘Showtime’ naging instant social media star dahil sa maintrigang lovelife

Ervin Santiago - August 24, 2021 - 03:42 PM

Pido at Vice Ganda

NAGING instant social media star ang cameraman ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” matapos bumandera ang kuwento ng kanyang lovelife on national TV.

In fairness, nag-viral agad at naging isa pa sa top trending topic sa Twitter Philippines ang hashtag #PidoWeLoveYou kahapon habang ipinalalabas ang programa.

Sa live episode ng noontime show kahapon, nag-join ang assistant cameraman na si Pido sa hit polling segment na “Madlang Pi-Poll.”

Sa kanya itinanong ni Vice Ganda ang final question na may kinalaman sa failed relationship. Sa mga choices na possible answer sa tanong kung bakit napakahirap mag-let go, pinili ni Pido ang lahat ng sagot.

“1. Wala nang tulad niya. 2. Mahirap magsimula ulit sa mga nasanay ka na. 3. Takot kang mag-isa. 4. Sayang ‘yung mga pinagsamahan, dahil matagal na kami.”

Pero pinapili lang siya ng isa, at ang isinagot niya ay, “Wala nang tulad niya.”

Hirit ni Vice sa kanya, “Basta, Pido, we love you. So many people you don’t know love you.”

Kasunod nito, hinikayat din ng TV host-comedian ang mga viewers at netizens na gamitin ang hashtag #PidoWeLoveYou para kahit paano’y maibsan ang nararamdaman niyang pagkabigo. 

Pahayag pa ni Vice, “Sa mga nasasaktan ngayon at feeling nila wala na silang mahahanap, God bless you. We hope and pray that eventually, God will give you what you deserve.”

Sa mga studio players namang sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio at RB Chanco, pinili rin nila ang sagot ni Pido ngunit hindi ito ang choice ng “madlang people”.

Nauna rito, napag-usapan na rin ang tungkol sa lovelife ni Pido sa “Madlang Pi-Poll,” nang tanungin ni Vice ang male crew sa studio kung ano ang magkukumbinsi sa kanila para tapusin na ang kanilang marriage.

Isinagaw naman agad ng mga crew ang pangalan ni Pido para siyang sumagot sa tanong. Sa mga options na “May iba na siya” at “May iba ka na,” pinili ni Pido ang unang choice.

Pero dinugtungan niya ito ng hugot line na, “Ipaglalaban hangga’t kayang lumaban.” Limang taon din daw siyang nagkaroon ng asawa.

Sa August 21 episode ng nasabing segment, pinili naman ni Pido ang “Malaya” ni Moira bilang isa sa mga kantamg nagpapalungkot sa kanya, “Para maging malaya na siya, at magawa niya ang gusto niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palaging naka-face mask si Pido sa “Showtime” bilang pagsunod safety protocols ng programa kaya kahapon, birong sabi ni Vice, magkakaroon ng virtual “fan meet” para sa supporters ni Pido kung saan ipakikita na nito ang kanyang mukha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending