RR Enriquez nakisawsaw sa fake news tungkol kina Lolit Solis at Mark Herras | Bandera

RR Enriquez nakisawsaw sa fake news tungkol kina Lolit Solis at Mark Herras

Reggee Bonoan |August 17,2021
facebook
share this

RR Enriquez nakisawsaw sa fake news tungkol kina Lolit Solis at Mark Herras

Reggee Bonoan - August 17, 2021 - 05:28 PM

RR Enriquez, Mark Herras at Lolit Solis

BAGO namin sulatin ito ay tinanong namin ang taong nagma-manage ng social media accounts ng kilalang talent manager na si Manay Lolit Solis kung may TikTok account siya.

“Walang TikTok teh, Instagram lang,” ang sagot ng admin at editor ni Manay Lolit na si Salve Asis.

Dagdag pa niya, “Baka may gumagamit lang kay Manay.”

Tinanong namin ito dahil ang nilalaman ng TikTok kuno ni Manay Lolit ay ang hugot niya sa alagang si Mark Herras dahil nangungutang ito sa kanya ng P30,000. Pinagsabihan pa niya ito kung bakit hindi nag-ipon.

To the rescue kaagad ang dating aktres na negosyante na ngayon na si RR Enriquez dahil ipinagtanggol niya si Mark sa manager nito dahil bakit kailangan pang ikalat na nangungutang ang alaga.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni RR ang larawan nina Mark at Manay na kuha sa TikTok na nakataas ang kanang daliri na tila sinasabihan nga ang aktor.

Ang caption ni RR, “Totoo ba ito? Kung totoo man. Gusto ko makisawsaw.

“Alam mo Lolit Solis Ang tanda mo na 70plus ka na pero chismosa ka pa din. Yung konti na lang ilalagi mo sa mundong ito hindi ka pa gumawa ng kabutihan! Gusto mo yung bida bida ka pa din?

“I feel sorry for Mark Herras! Imagine he trusted you bilang manager nya. Nanghiram sayo ng 30k kasi lugmok ‘yung tao tapos ikaw lalo mo pa nilugmog sa kahihiyan.

“Sabihin natin may mali yung tao, hindi nag ipon. Naging pabaya nung time na kasikatan nya etc. pero kailangan mo ipangalandakan na wala syang 30k???

“Bilang manager nya ilang milyon ba ang kinita mo sa kanya?? Para sa kapiranggot na 30k ipahiya mo sya ng ganyan?

“Yan ang hirap sa ating mga Pilipino (hindi ko naman nilalahat) minsan kung sino pa yung pinag kakatiwalaan mo sya pa yung manglalalaglag sayo!!!

“Kayo naman nakikisawsaw pandemic ngayon. Lahat tayo may pinag dadaanan. Sure ako hindi lang si Mark ang nangangailangan ng pera sa mga artista.

“Pero sana imbest pagpyestahan natin, tulungan natin. Hindi nya naman gusto gamitin ito sa masamang paraan. Pang dede nga daw ng anak oh!!!!!

“Kalowkah si Lolit Solis!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Medyo maanghang ang mga pahayag ni RR kay Manay Lolit at nakatitiyak kami na sasagutin siya nito dahil wala siyang TikTok account.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending