Jerald Napoles napamura, naiyak dahil sa mga pinagsasabi ni Sharon | Bandera

Jerald Napoles napamura, naiyak dahil sa mga pinagsasabi ni Sharon

Ervin Santiago |August 17,2021
facebook
share this

Jerald Napoles napamura, naiyak dahil sa mga pinagsasabi ni Sharon

Ervin Santiago - August 17, 2021 - 08:38 AM

Jerald Napoles at Sharon Cuneta

NAPAMURA at napaiyak sa sobrang tuwa si Jerald Napoles matapos mabasa ang mga bagong mensahe at papuri sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta.

Pagkatapos ibandera ni Sharon sa madlang pipol ang kagustuhan niyang makatrabaho si Jerald sa nakaraang mediacon ng “Revirginized”, nag-post pa uli sa social media ang singer-actress tungkol dito.

Una ngang nabanggit ni Mega sa  presscon ng kanyang bagong pelikula na super fan siya ni Jerald at isa ang aktor sa mga nais niyang makatrabaho in the future.

At kanyang Instagram post nitong weekend ay inulit ni Sharon na sobra talaga ang paghanga niya kay Jerald. Ni-repost niya ang isang artikulo tungkol sa papuring ibinigay niya sa dyowa ni Kim Molina.

Aniya sa caption, “This is SO TRUE. I have been a fan of Jerald Napoles @iamjnapoles since I watched him in a stage musical with my sister @pinaypole Ciara Sotto!

“Sinabi ko na kay Jerald noon pa na gusto ko sya makasama sa work. Now naka-put-in na officially ang request ko kay Direk Daryll Yap @vincentimentsofficial @direkdarrylyap at pinaaalam ko po sa @vivamaxph @viva_films @starcinema @abscbn @erikmatti @dondonmonteverde at sa buong mundo!

“Isa siya sa pinakamagaling na artista kahit saan mo ilagay, para sa akin. Si @kimsmolina din napakahusay sana makasama ko din sya!

“Pero ako na President ng Jerald Napoles Fan Club! Ang bait at nakakatawa pa ng taong ito! Congrats to you and Kim, Jerald!” chika pa ni Shawie.

Nang mabasa nga ito ni Jerald, agad siyang nag-comment ng, “TANGENA !!! WHAAAAT !? Ma’am!! Grabe naman ‘tong sinabi n’yo!!! Pucha di ko alam sasabihin ko. Iyak muna ko MARAMING SALAMAT PO!”

Sa ginanap namang virtual mediacon ng pelikula nila ni Kim na “Ikaw At Ako At Ang Ending” sinabi ng aktor na na-shock siya sa mga sinabi ni Mega at sana raw ay simulan na ang gagawin nilang movie. Sey pa ni Jerald, certified Sharonian ang nanay niya.

Pahayag pa ng aktor, “Parang gusto mo lalong gumaling… sakaling magkatrabaho kaming dalawa, gagalingan ko pa!” 

Reaksyon naman ni Kim, sana raw ay matuloy nga ang pelikulang pagsasamahan ng kanyang boyfriend at ni Sharon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Happy ako na ma-reach ni Je kung anuman ’yon. Deserve niya magkaroon ng ganu’ng recognition. Excited na excited na nga siya! Walang selos, walang competition sa aming dalawa. Sana nga matuloy,” hiling pa ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending