Miss Universe Myanmar 2020 nakuhang model sa London; mga magulang tinamaan ng COVID-19
Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin
NATATANDAAN n’yo pa ba si Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin? Isa na siyang modelo ngayon sa London.
Namomroblema noon si Miss Myanmar pagkatapos ng 2020 Miss Universe beauty pageant kung saan siya tutuloy dahil hindi na siya puwedeng bumalik sa kanilang bansa.
Sigurado kasing huhuliin siya roon ng military junta at ikukulong dahil sumali siya sa protest rallies kung saan nag-viral ang mga larawan niya sa social media.
At para makadalo sa ginanap na 69th Miss Universe competition noong Mayo 16 sa Florida, USA ay kinailangan niyang mag-disguise. Nanalo naman siya ng Best in National Costume kung saan may hawak pa siyang streamer na may nakalagay na, “Pray for Myanmar.”
Maraming naawa kay Thuzar Wint Lwin kaya kinupkop siya ng mga kababayan niya roon habang naghahanap ng trabaho para buhayin ang sarili.
Sinuwerte si Thuzar dahil nakuha siyang modelo sa London kung saan pumirma siya ng isang taong kontrata para sa isang modelling agency.
Base sa post ni Thuzar sa kanyang social media account na isinalin na sa Tagalog, “Ang Thuzar London ay natapos na ang mga araw ng Home Quarantine. Soon sisikapin kong maglakad patungo sa pangalawang destinasyon ni Thuzar.
“Sa kasalukuyan, mayroon akong isang taong kontrata sa M±P Modeling Agency sa London at magtatrabaho sa Modeling business gamit ang aking hilig.
“Maraming salamat sa iyo, Beauty Thet Thinn sa pagtulong sa akin sa lahat ng kailangan kong makipag-ugnayan sa mga dayuhang ahensya.
“Salamat sa lahat ng mga mamamayan ng Myanmar sa US na tumulong kay Thuzar para makuha ang lahat mula sa US pagkatapos ng event ng Miss Universe.
“Mula sa katapusan ng palabas, nag-aalala ako kung ano ang gagawin ko mag-isa, ngunit lahat ay tinuring akong pamilya at naging maayos ang lahat.
“Salamat sa lahat ng organizers, officials, at mga dumalo sa fundraiser para mapakinabangan ang bansa natin kahit nasa ibang bansa tayo.
“Thank you so much sa lahat ng sisters and sisters ko na nag asikaso sakin sa among us trip. I’ll always miss you all.
“Sa lahat ng minamahal ko sa Myanmar kayo na po ang bahala sa lahat. Gusto kong makilala muli ang lahat.”
Samantala, sa huling post ni Thuzar sa kanyang Facebook page ay ibinalita niyang COVID-19 positive ang magulang niya.
“Kahit covid positive si mama at papa, natatawagan ko at maaalagaan ko sila sa malayo. Paano ko aalagaan ang nanay ko kung may diabetic s’ya pakisabi kung alam n’yo,” ang pahayag ng beauty queen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.