Kiko, Heaven umamin na; ikinumpara ng netizens kina Gerald at Julia? Bandera

Kiko, Heaven umamin na; ikinumpara ng netizens kina Gerald at Julia?

Therese Arceo |August 14,2021
share this

Kiko, Heaven umamin na; ikinumpara ng netizens kina Gerald at Julia?

Therese Arceo August 14, 2021 - 09:36 AM


LANTAD na sa taumbayan ang tunay na relasyon ng Kapamilya stars na sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Nag-post si Kiko sa kanyang bagong revived Instagram account ng photos nila ni Heaven na may caption na “I love you”.

Nag-reply naman ang aktres ng, “I love you too”.

Nag-post rin sa kanyang IG account ang aktres ng photos nila at ang caption ay ” his (infinity sign)”

Marami naman sa netizens ang napataas ng kilay matapos ang pag-amin ng dalawa.

Matatandaan na napabalita noon ang controversial break up ni Kiko kay Devon Seron kung saan nadawit ang pangalan ni Heaven.

Depensa naman ng aktres, wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng dalawa.

“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other,” pahayag ng aktres ukol sa isyu.

“I should not have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I didn’t and would never do.

“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.

“I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not involved. Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this.

“Anyway, there are far more important issues that we should concern ourselves with. Stay safe everyone,” pagpapatuloy nito.

At ngayon ngang umamin ang dalawa, maraming netizens ang ikinumpara sila sa isa pang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Tila daw parehas ang peg nina Heaven at Julia na “deny now, confirm later”.

Si Julia kasi ang itinurong dahilan ng hiwalayan ni Gerald at Bea na masaya na ngayon sa dyowa nitong si Dominic Roque.

“Time is the ultimate truth teller,” komento ng isang netizen na ginaya ang sinabi ni Bea Alonzo noon.

“Taray di pa nanay si julia b may anak na hahahaha mana mana yarn” saad ng isang netizen.

“Delikadeza left the group,” sey ng isa pang netizen.

“Julia&Gerald version 2.0,” hirit naman ng isa pang netizen.

“Dami pa sabe mag re reveal den pala,” chika pa ng isang netizen.

“Time also defines the present, future, and past irreversible sequence of events. Don’t malign time in justifying things that happened in the past and has been long ended. There’s a time difference so magkaiba po yun (laughing emoji) Sabagay, bashers will highlight lies to prove their twisted truth. Haaaay! Bashing ang totoong virus na walang cure (laughing emoji),” depensa ng isang netizen na ginawang pinned comment ni Heaven.

Sa ngayon ay limited na rin ang maaaring mag-comment sa kanyang IG post.

Nagkatrabaho at naging loveteam sina Kiko at Heaven sa teleserye na “Bagong Umaga” noong 2020.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending