Lolit ipinagtanggol si Yorme laban sa mga patutsada ni Duterte | Bandera

Lolit ipinagtanggol si Yorme laban sa mga patutsada ni Duterte

Therese Arceo - August 12, 2021 - 05:13 PM

HINDI napigilan ni Manay Lolit Solis na depensahan si Isko Moreno o ang kilalang Yorme ng lungsod ng Maynila laban sa patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang actor-turned-politician.

“Ewan ko Salve pero naawa naman ako kay Mayor Isko Moreno kung siya iyon Mayor na pinatatamaan ni Papa Digong,” panimula niya.

Nagsimula ito noong Lunes nang ihayag ng pangulo na may isang mayor sa Metro Manila ang hindi bibigyang ng power to distribute ayuda ngayong ECQ. Tinawag pa niya ito na parang “callboy” at binanggit rin na may kumakalat na larawan sa Facebook kung saan nakabikini raw ito at tila sinisilip ang kanyang ari.

Hindi man niya ito pinangalanan, marami agad ang naka-gets na ang mga patutsada ay para kay Yorme Isko Moreno.

“Alam ko na pulitika lang naman lahat ng nangyayari, pero iyon mga photos ni Mayor Isko na nagkalat sa Facebook na kuha nuon lumalabas pa siya sa pelikula, ang tagal na. So, kung anuman ang ginawa niya habang isa siyang artista, hindi kasali sa pagiging Mayor niya ngayon.”

Para kay Manay Lolit, alam naman ng madlang pipol ang naging buhay ni Yorme bago ito pumasok sa public service. Giit pa niya, hindi naman ‘yon naging hadlang para sa pagsisilbi nito sa mga kababayan.

Aniya, hindi maganda ang pagbato ng personal na birada kay Yorme bilang taktika sa pulitika ngayon.

“Kung anuman naganap sa una niyang buhay ng artista pa siya, part na iyon ng past. Ang importante iyon ngayon at gagawin niya sa future,” depensa ni Manay.

“Sa mga taga Maynila, kung ano ang trabaho na ibinibigay niya now, iyon ang importante. Walang kinalaman iyon mga photos na lumalabas, o kung anuman role ang ginawa niya sa pelikula. Just be a good Mayor, period,” pagpapatuloy niya.

“At kay Papa Digong, just be a good President and leader, hayaan mo na iyon mga inilalabas sa Facebook, huwag mo ng isali iyon sa research mo, nakalipas na iyon, kalimutan na. Mas maganda pa na work together kayo para sa ikabubuti ng bayan. Go go Philippines. Fighting!!” mensahe ni Manay kay Pangulong Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending