Bea may hugot sa kanegahan sa mundo; gustong mahawa ang mga Pinoy ng... | Bandera

Bea may hugot sa kanegahan sa mundo; gustong mahawa ang mga Pinoy ng…

Ervin Santiago |August 12,2021
facebook
share this

Bea may hugot sa kanegahan sa mundo; gustong mahawa ang mga Pinoy ng…

Ervin Santiago - August 12, 2021 - 12:33 PM

Dominic Roque at Bea Alonzo

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa buong universe ang kanyang “dramatic” photo na kuha ng boyfriend niyang si Dominic Roque.

Ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram page ang nasabing photo na kuha sa isang bonding moment nila ni Dominic nang magbakasyon sila sa California kamakailan.

Makikita rito si Bea na nakasuot ng black leather jacket habang hinahangin ang buhok na parang isang eksena sa pelikula dahil sa ganda ng pagkakakuha at pagkakadirek.

Sey ng aktres sa caption, “Sometimes, we lock ourselves up in our negative thoughts that we create this kind of self prison.” 

Aniya, sana raw ay magkaroon ng positibong pananaw sa buhay ang lahat ng tao para mas maging maganda ang future ng bawat isa sa atin, lalo pa’t patuloy pa rin ang health crisis sa iba’t ibang panig ng mundo.

Naniniwala kasi ang girlfriend ni Dominic na kapag patuloy ang kanegahan sa isip at puso ng isang tao ay hindi imposibleng makagawa na rin siya ng masama hindi lamang sa ibang tao kundi maging sa kanyang sarili.

“Most of the time, we fall into this trap, making it a habit to either talk trash about other people or ourselves.

“Today, let’s create a positive outlook that will infect other people. After all, happiness is contagious,” mensahe pa ni Bea with matching happy face emoji.

Kamakailan, ibinandera na rin sa wakas nina Bea at Dominic ang tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon matapos ang ilang buwang pahulaan sa social media.

“It wasn’t as if, like masyado ko siyang plano or masyado ako nag-hold back. It just came out naturally.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s not like I was trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience. S’yempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending