Anak ni Ciara na-hurt nang maghiwalay sila ng dyowang Fil-Am: Pero alam niyang hindi yun ang dad niya | Bandera

Anak ni Ciara na-hurt nang maghiwalay sila ng dyowang Fil-Am: Pero alam niyang hindi yun ang dad niya

Ervin Santiago |August 12,2021
facebook
share this

Anak ni Ciara na-hurt nang maghiwalay sila ng dyowang Fil-Am: Pero alam niyang hindi yun ang dad niya

Ervin Santiago - August 12, 2021 - 08:58 AM

Ciara Sotto at Crixus

APEKTADO rin pala ang anak ni Ciara Sotto nang maghiwalay sila ng kanyang Filipino-American boyfriend na si Ian Austin.

Nasaktan at na-broken hearted din ang anak niyang si Crixus matapos silang magdesisyon ni Ian na tapusin na ang kanilang relasyon at magkanya-kanya na sila ng landas.

“I had to tell him lang straight. Actually very casually. I did it very casually parang dina-downplay ko ng konti. 

“Pero medyo nalungkot siya. Nakita ko talaga na nalungkot siya. So sabi ko, ‘It’s always been you and me, right?’ I mean lagi kong sinasabi ko sa kanya na ‘all I need is Crixus.’

“Tapos sasagot siya na ‘all I need is mama.’ So parang ‘right?’ ginaganoon ko siya,” kuwento ni Ciara sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.” 

Si Crixus ay anak ni Ciara sa dati niyang asawang si Joe Oconer at napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2019.

“Medyo na hurt siya. Siyempre nasanay siya na may playmate, na parang tatlo kami. Medyo na hurt siya. 

“Pero buti na lang, alam naman niya na boyfriend ko lang ‘yon. Hindi naman ‘yon ang dad niya and friends kami ng dad niya,” sey pa ng anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.

Ayon pa kay Ciara, importante ang pagiging honest lagi ng mga magulang sa kanilang mga anak para sa kanilang paglaki ay madala rin nila ang magandang katangiang ito.

“Kasi even if you think that he’s just a toddler or he is really young, he will understand. Maa-understand nila ‘yon, alam nila ‘yon. 

“Kailangan mo lang talaga na i-explain, kailangan mo maging honest na nag-break kami ng boyfriend,” sey pa ng pole dancer.

Sa huli, ibinahagi rin ni Ciara ang natutunan niya sa naging break-up nila ng dating boyfriend. Aniya, hangga’t hindi pa sigurado sa taong minamahal mo at may anak ka na, huwag muna silang ipakilala sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I learned my lesson na rin na kung hindi pa pala siya ang ‘the one,’ huwag mo munang ipakilala talaga (sa anak),” sabi ni Ciara.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending