Mayor gamit na gamit ng balimbing na PR guy | Bandera

Mayor gamit na gamit ng balimbing na PR guy

Den Macaranas |
Wacky Leaks -
August 11, 2021 - 10:37 AM

Tunay na walang permanenteng kaibigan at kaaway sa larangan ng pulitika kundi interes lamang.

Tulad na lamang ng relasyon ng isang talunang mayoralty candidate sa isang lungsod sa Metro Manila at ng kanyang mayabang na public relations specialist.

Ang duda ng dating mayor ay namangka sa dalawang ilog ang kanyang bayarang publicist na isa sa mga dahilan kung bakit siya natalo sa elekyon noong 2019.

Mukhang alam kasi ng kampo ng nanalong mayor ang lahat ng kanyang mga taktika kaya ang resulta napusoy sila sa nakalipas na halalan.

Ngayong papalapit na ang 2022 elections ay isinusubo ng nasabing PR guy ang kanyang alaga sa mas malaking laban.

Ang lagi niyang ipinagyayabang sa publiko ay hinog na raw sa mas mature na political role para sa isang national post ang kanyang alaga.

Ito ay sa kabila ng pag-aalinlangan ng grupo ng nasabing mayor na baka sa Metro Manila lang sila sikat.

Sinabi ng aking cricket na dapat mag-ingat ang nasabing pulitiko sa kanyang PR guy dahil baka gawin lamang siya nitong instrumento sa paghingi ng campaign funds tulad na lamang ng ginawa niya sa mga naunang kliyente.

Na pagkatapos gamitin ay iiwan na lamang ng walang paalam.

Marami na akong narinig na kwento sa mamang ito na ginagamit ang pangalan ng kanyang kliyente para makakuha ng pabor kahit na sa kanilang mga kalaban sa pulitika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahusay sa galawang-bulate ayon nga sa aking cricket.

Ang public relation specialist na bida sa ating kwento ngayong umaga na kilalang-kilala ng mga reporter at gusto nilang sabunutan dahil sa madalas na pambubukol sa kanila ay si Mr. A…as in Alpombra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending