Angel, Neil ginulat ang madlang pipol: 'We got married!' Bandera

Angel, Neil ginulat ang madlang pipol: ‘We got married!’

Therese Arceo |August 07,2021
share this

Angel, Neil ginulat ang madlang pipol: ‘We got married!’

Therese Arceo August 07, 2021 - 08:40 PM


SURPRISE!

Bonggang-bongga ang pasabog ng newly-wed couple na sina Angel Locsin at Neil Arce matapos gulatin ang madlang pipol na sila’y ikinasal na.

Sa dulo ng latest vlog ni Angel Locsin na “Lipat Bahay vlog”, inanunsyo ng dalawa na sila ay nagpakasal na.

“Oh by the way, since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married!” ito ang nakasulat sa video kasunod ang iba’t ibang larawan na kuha noong wedding ceremony.

Matapos nga ang anunsyo sa vlog, nag-post ang aktres ng pictures nila ni Neil na may caption na, “and just like that [heart emoji]. Bukas na ‘yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

Nag-post rin ang matalik na kaibigan nitong si Dimples Romana ng mga litrato noong kasal nila.

Hirit nito, “In case you missed the end of their VLOG. May we present to you, Mr. and Mrs. @neil_arce @realangellocsin”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Sa sumunod namang post nito ay photo nilang apat kung saan makikitang nasa bandang likuran siya ng bagong kasal katabi ang asawa nitong si Boyet.

“Like the way you have our backs, MR and MRS @neil_arce @therealangellocsin , we will always have yours.

“@papaboyetonline and I are honored and humbled to have been part of this beautiful moment and like what our beloved Mayor @linocayetano said, ‘Kapag mawala pa lahat, HOPE, FAITH and LOVE remains’, truly you are each other’s treasure anubaaaaaaa naiiyak pa din ako!!! Hhahahahah” mensahe nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Inulan naman ang comment section ng mga pagbati para sa bagong mag-asawa. Masayang-masaya ang lahat ng mga supporters ng aktres pati na rin ang mga kaibigan at katrabaho nito sa industriya.

Ilan sa mga nag-comment ay sina Marian Rivera, Darla, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at Marvin Agustin na may regalo raw na conchinillo para sa dalawa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending