Donny, Belle sa pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV: Hopeful pa rin kami, positive lang tayo! | Bandera

Donny, Belle sa pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV: Hopeful pa rin kami, positive lang tayo!

Ervin Santiago |July 28,2021
facebook
share this

Donny, Belle sa pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV: Hopeful pa rin kami, positive lang tayo!

Ervin Santiago - July 28, 2021 - 09:00 AM

POSITIBO pa rin ang bagong pambatong Kapamilya loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na makakabalik pa rin ang ABS-CBN sa free TV.

Naniniwala ang dalawang youngstars na mabibigyan din ng franchise to operate ang kanilang mother network sa tamang panahon at pagkakataon para makapagbigay uli ng trabaho sa libu-libong Pinoy.

Sa virtual presscon para sa finale ng kanilang seryeng “He’s Into Her” nagbigay ng saloobin sina Donny at Belle tungkol sa nasabing issue. Ito’y habang umeere naman ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Belle, “When I found out na nawala ang ABS-CBN, I felt sad at natakot ako. I don’t think that just applies to me. I think that applies with everyone.

“Natakot ako, what if hindi matuloy ang ‘He’s Into Her’? What if hindi matuloy ang mga nakalatag na projects?” aniya pa.

In-announce ang production ng nasabing serye noong November, 2019, ilang buwan bago ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN.

“It felt like a bad dream, the day that it happened,” ang sabi naman ni Donny na nangamba rin para sa mga kasamahan nila sa network na mawawalan ng trabaho na sumabay pa sa kasagsagan ng pandemya.

Sabi naman ni Belle, “I’m still hopeful. Kapamilya tayo, we’re here. We’re all hoping. We’re all together, just hoping and waiting na maibalik ang ABS-CBN.”

Sumang-ayon naman sa kanya si Donny, “We always remain hopeful. We are a family, we’re supportive of one another, we are there for each other. I believe, babalik. I’m remaining positive and hopeful.”

Aniya pa, “More people need to know what’s going on. A lot of people were stripped of their happiness, their everyday joy. I really hope na babalik tayo. And we’ll still remain strong, no matter what.”

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng “He’s Into Her”, patindi nang patindi ang banggaan nina Deib (Donny) and RJ (Jeremiah Lisbo).

Malapit na kasing magharap ang kanilang eskwelahan sa basketball championship habang pareho nilang ipaglalaban makuha ang puso ni Max (Belle) sa inaabangang finale ng top trending series na napapanood sa iWantTFC sa Biyernes (Hulyo 29) at sa Kapamilya Channel at A2Z sa Linggo (Hulyo 31).  

Sa isang di inaasahang pagkikita, nangako si RJ kay Max na hinding-hindi na nito iiwan ang dating kasintahan, lalu na ngayon na hindi maayos ang kanyag pamilya at patuloy na iniisip na bumalik sa tahimik na buhay sa probinsya.  

Samantala, nang matagpuan ni Deib na magkasama ang dalawa, hindi nito tinago ang selos nang malamang magkaibiga nang muli ang dating magkasintahan at kahit na sinabi ni Max na espesyal na si Deib sa kanyang puso.  

Patuloy naman na sinisisi ni Max ang sarili at nag-alok pa itong umuwi na lang sa Mindoro dahil hindi pa rin umuuwi ang stepmother niyang si Macy (Issa Litton) at stepsister na si Elle (Melizza Jimenez), matapos umalis nang ipilit ng tatay nitong si Maxim (Richard Quan) na panagutan ni Elle ang pagkakasangkot sa pananakit kay Max sa Benison. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong determinado si Deib kunin ang championship trophy kina RJ, makuha rin kaya niya ang puso ni Max?  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending