Impersonator ni Mega na si Ate Shawee pumanaw na; pamilya nanawagan muli ng tulong para sa libing Bandera

Impersonator ni Mega na si Ate Shawee pumanaw na; pamilya nanawagan muli ng tulong para sa libing

Ervin Santiago |July 26,2021
share this

Impersonator ni Mega na si Ate Shawee pumanaw na; pamilya nanawagan muli ng tulong para sa libing

Ervin Santiago | July 26, 2021 - 04:21 PM

MAKALIPAS ang ilang linggong pakikipaglaban sa sakit na liver cirrhosis, namaalam na ang sikat na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee.

Sumakabilang-buhay si Ate Shawee o Marvin Martinez sa tunay na buhay kaninang ala-1 ng hapon sa Chinese General Hospital. Siya ay 45 years old.

Ayon sa mga kapamilya ng stand-up comedian at events host, nangangailangan sila ng tulong pinansiyal ngayon para sa hospital bill nito na umabot na umano sa P60,000 sa loob lamang ng dalawang araw.

Bukod dito, kakailanganin din daw nila ng pera para sa burol at libing ng komedyante. Naubos na raw kasi ang savings ni Ate Shawee simula noong magkasakit siya at magpabalik-balik sa ospital.

Sa isang ulat, sinabi naman ng pamangkin ng impersonator ni Sharon na si Rafaela de Jesus na sana’y may mga tumulong sa kanila para mabigyan ng disenteng libing ang kanyang tita.

Kung matatandaan, nitong unang linggo ng Hulyo ay nag-post si Atw Shawee sa kanyang Facebook account tungkol sa kanyang sakit kasabay ng paghingi ng tulong para sa pagpapagamot.

“Hindi na pala ako gagaling. Lumabas man babalik ulit ospital walang wala na ako umaasa lang ako sa mga nagbibigay tulong sa akin. 

“Dko na yta kakayanin anu man mangyari konti na lang suko na ako,” sabi ng komedyante sa una niyang FB post.

Sinundan pa ito ng, “Nalulungkot ako napanghihinaan ng loob iyak ako ng iyak… Sana naman kayanin ko lahat ito. Mother of perpetual help.” 

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para sa pamilya ni Ate Shawee mula sa mga fans at kaibigan niya sa showbiz.

Ayon sa FB post ng aktor na si JC Alcantara, “Isa sa pinaka mabait at sweet nanakilala ko sa showbiz si ate Shawee Martinez ang impersonator ni (Sharon Cuneta) malala napo yung sakit nya. 

“Kakatawag ko lang po sa kanya nakakarinig pa sya pero hindi na sya nakakapag salita yung narinig nya boses ko bigla syang naiyak at marami syang gusto sabihin. 

“Nakapag last pm din sya sakin ng Labyu sobrang bait nya at palagi kang patatawanin pag kasama mo sya at nakilala mo sya. Hindi namin ineexpect na biglaang ganito mangyayari sakanya dahil nun last nakita namin sobra saya sya nya.

“Guys! Sana po ipag dasal natin sya sana mag ka miracle na biglaan syang gumaling! Mahal na mahal kanamin ate shawee. Paalam ate shawee.”

Mensahe naman ni Direk Manny Valera, “PAALAM, ATE SHAWEE. The popular Sharon Cuneta impersonator whose real name is Marvin Martinez died at Chinese General Hospital from  liver cirrhosis at age 45. Gone too soon.

“Ate Shawee was always a big hit each time she performs at Mr Melody. Her repertoire didnt only focus on Sharon Cuneta songs but also excerpts from the musicals Miss Saigon, Dreamgirls and many more. Kay galing, kay husay at kay bait! 

“I was very happy for her many success in other shows here and abroad. Each time i get to talk to her, she remained humble and grateful. That is why she was truly blessed. 

“So sad to lose a good friend in showbiz. We love you Ate Shawee, you will always be my favorite and will miss you forever!”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending