2nd b-day party ng anak nina Andi at Philmar dinaluhan ng mga batang taga-isla; Ellie sinundo na uli ni Jake Bandera

2nd b-day party ng anak nina Andi at Philmar dinaluhan ng mga batang taga-isla; Ellie sinundo na uli ni Jake

Reggee Bonoan |July 25,2021
share this

2nd b-day party ng anak nina Andi at Philmar dinaluhan ng mga batang taga-isla; Ellie sinundo na uli ni Jake

Reggee Bonoan | July 25, 2021 - 05:06 PM

ANG bongga ng 2nd birthday celebration ng panganay nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na si Lilo na ginanap sa Siargao.

Doon na nakatira ang mag-anak kasama ang bunso nilang si Koa at ang panganay ni Andi na si Ellie kapag dumadalaw ang bagets sa isla.

Nag-post si Andi sa Instagram ng larawan nilang pamilya na kuha sa selebrasyon ng ikalawang anak, “Lilo’s 2nd Birthday part 1!

“We were too excited for her, and she had no clue what was going on. We all couldn’t wait to sing her a happy birthday, put a DIY bday girl crown on her head, light a candle on her favorite soufflé pancakes (she didn’t know to blow) at our go-to breakfast place and enjoy the morning as a fam like always, but making sure she knew somehow that it was her special day.”

Ang daming handa ni Lilo na nasa mahabang lamesa at may palitson pa ang papa niya na pinagsaluhan nilang lahat kasama ang mga batang taga-isla na imbitado sa kaarawan ni Lilo.

Ang saya-saya ng mga batang dumalo dahil may pa-games din sila, may padulasan pa at marami pang iba.

Ang caption ni Andi sa isa pang litrato na ipinost niya, “Lilo’s 2nd Birthday part 2!

“We celebrated her 2nd with a low- waste birthday party in open air, with all her little island friends!

“Taking this as a chance to thank all those who celebrated with us there (and in spirit!), and of course to those who helped make this one for the books.”

Maraming taong tumulong para mapaganda ang venue ng party kaya pinasalamatan din sila ni Andi. 

“Special thanks to: @frozenmarjarita & @jimbolo_cj, and team @greenhouse_siargao for letting us have it there & the wonderful spread of healthy food and Lilo’s favorite snacks (popcorn & fries!).

“Lechon care of papa @chepoxz & the *YoungGunzSurfClub* @dodstaylorisland & @colleenhammersmith for the amazing eco-friendly decor/ set- up! @littlebarangay for the enflatable.

“World’s best ate @ellieislandgirl & her besties for heading the DIY tie dye area
@chic_peace for the lovely vegan mixed fruit & berry cake w/ strawberry icing (it tastes as good as it looks!!) @nilolyngorgonio for the beautifully made and super yummy chocolate cupcakes! Tita @angie_alipayo for her peppa pig cake! (Lilo’s favorite character).”

Samantala, sinundo muli ni Jake Ejercito ang anak na si Ellie na umuwi ng Siargao noong Hulyo 21 in time sa kaarawan ng kapatid na si Lilo.

Ang caption ni Jake sa ibinahaging larawan nila ng anak sa IG, “And we back and we back.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending