Angel: Takot ako kaya ako nagsasalita...natatakot kang maapi kaya gusto mong ipaglaban | Bandera

Angel: Takot ako kaya ako nagsasalita…natatakot kang maapi kaya gusto mong ipaglaban

Ervin Santiago - July 25, 2021 - 09:02 AM

“TAKOT ako kaya ako nagsasalita!” Yan ang naging pahayag ni Angel Locsin tungkol sa paglalabas niya ng saloobin sa iba’t ibang mahahalagang issue sa bansa.

Isa si Angel sa mga local celebrity na talagang matapang na naghahayag ng kanyang nararamdaman at pinaniniwalaan tungkol sa mainit at napapanahong national issue.

Sa podcast ni Matteo Guidicelli na “MattRuns”, natanong ang Kapamilya actress at TV host kung  hindi ba siya natatakot para sa kanyang kaligtasan kapag naglalabas siya ng opinyon sa iba’t ibang sa mundo ng politika.

“Takot ako kaya ako nagsasalita. Kasi kung hindi ka takot, deadma ka lang. Kaya mo i-ignore everything.

“Kung takot ka na, kunyari nagsasalita ako about certain issues, kaya ka nagsasalita doon kasi may takot ka na, may ayaw kang mangyari, kaya ka nagsasalita.

“Kasi kung hindi ka naman takot, bakit ka magsasalita?” pahayag ni Angel.

Ayon pa sa fiancée ni Neil Arce, ang pagsasalita at pagbibigay ng opinyon hinggil sa nangyayari sa paligid ay hindi rin masasabing katapangan o walang kinatatakutan.

“It doesn’t mean na matapang ka kung nagsasalita ka. It means may kinakatakutan ka kaya gusto mong ipaglaban.

“Natatakot kang maapi, natatakot kang ibahin yung story mo ng ibang tao. So, ‘yun yung sa akin,” ang dagdag pang paliwanag ng tinaguriang real life Darna.

Inamin din ng aktres na hindi siya ganito ka-open noong kabataan niya. Ibang-iba raw ang attitude niya noong nagsisimul pa lang siya sa mundo ng showbiz.

“Dati hindi ako ganito, e. Alam ko mas gusto ko pang mag-stay sa kotse kaysa sa dressing room kasi nahihiya ako, e.

“Hindi ko rin kayang mag-‘no.’ Yung daddy ko, binibigyan ako… hindi kasi magulay dati, e, ngayon lang ako natutong kumain ng gulay.

“Kapag tinatanong niya ako, daddy ko na ‘to ha, ‘Gusto mo ng gulay?’ gusto ko man sabihing ‘Ayoko, ibato mo ‘yan sa malayo,’ sasabihin ko, ‘Oo.’

“Tapos gagawa lang ako ng paraan kung paano ko siya itatago sa milk ko, sa plato, sa banyo, para iisipin niya na kinain ko yung gulay, di ba?

“Siguro ano lang, through experience, maturity, makita mo yung right or wrong.

“Saka darating ka rin sa point na parang alam mo yung kailangan mo nang magsalita.

“Kailangan mo nang magsalita, di ba, hindi naman para umapak ng ibang tao, kundi para mas maging totoo ka lang sa sarili mo. Yun lang naman yun, e,” paliwanag pa ng Kapamilya star.

Sey pa ng award-winning actress, hindi niy iniimpluwensiyahan ang ibang tao sa paglalabas niya ng kanyang saloobin, ang nais lamang daw niya ay ang maipaalam sa mga kinauukulan ang kanyang paniniwala.

“Wala naman akong intention na i-impose yung opinions ko or ideas ko sa inyo, sa ibang tao, kung hindi para maintindihan niyo rin kung ano yung nasa isip ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi lahat naman nadadaan sa maayos na pag-uusap,” pahayag pa ng Kapamilya star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending